Ilang private hospitals ‘di nagrereport ng dengue cases

KINUMPIRMA ng Department of Health na may ilang mga pribadong ospital ang hindi nagbibigay ng report  ng datos ng dengue cases sa kanilang lugar.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ilang  pribadong ospital  ang hindi nagsusumite ng report hinggil sa bilang  ng mga pasyenteng biktima ng dengue na isinusugod sa kanilang  pagamutan.

Ayon pa kay Tayag, base sa regulasyon ay responsibilidad din ng mga pribadong pagamutan na magsumite ngkanilang report sa local government unit kaugnay sa mga biktima ng ganiotng uri ng sakit tulad ng lumalaganap na dengue cases sa bansa habang sa lokal na pamahalaan naman kumukuha ng report ang DOH.

Batay sa kasalukuyang datos ng DOH, umaabot na sa 45,333 ang biktima ng dengue, 267 dito  ang  namatay at hindi pa kasama ang  inaasahang malaking bilang ng mga biktima ng dengue  na hindi naman iniuulat ng mga private hospitals.

Nabatid na maging ang mga private hospitals ay dinadagsa na rin ng mga pasyente na nabiktima ng nakakamamatay na kagat ng lamok na may dalang dengue.

Paalala naman ni Tayag na makakabuti pa rin ang sama-samang kilos para sa kalinisan ng kapaligiran upang masugpo ang dengue at iba pang mga sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply