Illegal recruiter tiklo sa Oplan Saliksik

NAGWAKAS ang matagal nang pamamayagpag ng isang babaing illegal recruiter matapos masakote ito sa isinagawang “Oplan Saliksik” ng pulisya sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City police chief Supt. Rodino Elfa ang suspek na si Marissa Escobar, 48, ng Village East, Barangay San Isidro, Cainta.

Sa ulat, nadakip ang suspek dakong alas-tres ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Kevin Narce Vivero ng Antipolo Regional Trial Court Branch 71 sa kasong illegal recruitment at estafa.

Si Escobar ay may kinakaharap ding kaso sa sala ni Judge Eugenio dela Cruz ng Pasay RTC Branch 117 sa kasong large-scale illegal recruitment at apat na bilang ng estafa.

Nabatid na matapos masakote ang suspek ay dumagsa pa ang mga nagrereklamo laban sa kanya kung kaya’t inaasahang dadami pa ang mga kasong kakaharapin nito.

Ang suspek ay pansamantalang nakadetine sa kulungan ng Antipolo PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply