Ilocos Norte isinailalim na sa state of calamity

ISINAILALIM na sa state of calamity ang Ilocos Norte dahil sa hagupit ng bagyong Mina.

Batay sa ulat, nasa 5,556 na pamilya na ang naapektuhan o katumbas ng 19,000 katao na nanatili sa evacuation centers.

Nananatili pa rin sa storm signal No. 1 ang Ilocos Norte gayundin ang Cagayan, Apayao at Abra.

Nabatid na napagkasunduan sa special session kaninang umaga ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte na isailalim na state of calamaity ang buong lalawigan dahil sa labis na pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.

Ayon sa ulat ng provincial disaster risk reduction and management council umaabot sa mahigit P3 million ang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa uanang distrito habang higit naman sa P2 million ang pinsala sa ikalawang distrito.

Samantala, natagpuan na ang isang naiulat na nawala na kinilalang si Andres Calaro, 84-anyos residente ng Binaratan, Sarrat, Ilocos Norte  na umano’y nalunod.

Marami rin umanong mga alagang hayop sa Dingras, Ilocos Norte ang inanod ng tubig baha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply