Imbestigahan si Mr. Noted

MALAMANG na naaalala pa ninyo si Senator Kiko Pangilinan na kilala rin bilang Mr. Sharon Cuneta noong kandidato pa siya. Kasama niya si Sen. Ralph Recto na mas kilala sa pangalang Mr. Vilma Santos.

Ngunit noong eleksiyon between Fernando Poe Jr. and Gloria Macapagal Arroyo, si Sen. Kiko ay naging mas higit na kilala sa bansag na Mr. Noted.

Mr. Noted sapagka’t noon bibilangin na ang certificates of canvass sa Congress, hinarang niya ang lahat ng protesta laban kay Gloria na kanyang kaalyado. Si Sharon nga, biglang pro-Gloria noong panahong iyon, pati na si Mayor Vi laban kay FPJ.

Bawat reklamo ni Sen. Tito Sotto, sinusuklian niya ng katagang “noted” at dahil diyan ay wala ni isang certificate of canvass ang nabuksan sa Joint Congress.

Dapat bang imbestigahan din si Sen. Noted kung sakaling mapatunayang ang mga certificate na iyan, kasama na ang mga balota, ay maraming fake?

Kung sakaling mapatunayang fake ang mga certificate at balota na ‘yan, hindi ba’t nararapat lamang na imbestigahan din si Sen. Noted maski na ngayon ay anti-Gloria na siya katulad din ni Mr. Vilma Santos na sikat din sa tawag na Mr.

EVAT?

Nagtatanong lamang naman po, pero ang pandaraya sa eleksiyon ay isang karumaldumal na gawain. Sa katunayan, may parusang kaakibat ang ganitong
kasalanan.

Kung sakaling may kinalaman si Sen. Kiko sa bilangan sa Congress na
hindi naman talaga binilang dahil puro “noted” nga ang kanyang binigkas, karapat-dapat ding humingi ng paumanhin si Kiko kay Susan Roces at higit sa lahat, sa ating mga mamamayan.

Magkakaroon ng joint fact-finding committee ang Commission on Elections (Comelec) at ng Department of Justice (DOJ).

Sana ay maungkat ang Mr. Noted sa mga hearing na gagawin ng joint committee.

Noong isang araw, ang sabi ni Mr. Noted, “I condemn the electoral fraud!”

Ano kaya ang kanyang balak?

Babaliin niya kaya uli ang gavel katulad nang ginawa niya noong nakaraang presidential election na ipinanalo raw ni Mrs. Arroyo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply