Imelda Papin nag-iilusyong sikat pa rin

HAY naku! My BFFT Pete A., kung ang kaibigan nating Diva/Talent Manager/Entrepreneur na si Ms. Claire dela Fuente ay hindi pantasiyadora, ito namang pinaglumaan na nang panahon na kakontemporaryo niyang si Imelda Papin ay umaatikabo pa rin ang ilusyon magpahanggang ngayon. Hahahahaha! Tama ba namang noong presscon daw ng “Protege” sa GMA 7 kung saan magkasama ang dalawa with other singers, mahigpit raw ang naging bilin ni Imelda sa staff ng GMA na huwag basta Imelda lang ang itawag sa kanya ng entertainment press na invited sa nasabing presscon kundi dapat ay “Miss Papin” raw.

Wow naman, feeling yata ng singer na ito during the late 70s and 80’s ay uso pa rin ang pinag-reynahan niya noong jukebox.

Naku naman, Manang Mel, MP player na kaya ang uso today kaya’t hindi ka na kilala ng mga young generation. Saka ‘yung iba mong fans, kung hindi dead na ay matatanda na at wala na silang weder pa sa iyo.

Kasi, kung talagang buhay pa ang mga supporter mo eh bakit super hina raw ang benta ng album mo na ikaw at ang dyowa mo ang nag-produce. Kasi naman, madali lang tumanggap ng acceptance na hindi ka na ganoon ka-popular kung wala kang ere sa katawan like Ms. Claire nga. Na kahit nakatrabaho na ang mga Icons sa Hollywood like Richard Carpenter, David Soul at Michael Bolton ay hindi naging mayabang kundi nananatili siyang humble at down to earth.

Kita nyo naman nang mag-shift siya sa pagiging talent manager, naging successful pa rin siya. Hayan at sikat na sikat na ang mga alagang si Sam Pinto at sumusunod naman kay Sam sa pagiging star ay itong si Bela Padilla. Oo naman. Hindi namin kinokuwestiyon ang talent ng isang Imelda Papin na pang-world World class talaga. Pero, sa America na lang tanggap ang presence niya at hindi na rito sa Pinas.

Period, gyud. Walang comma! (peram sister Pete).

***

Ima Castro at Tex Ordonez nakaaaliw

MAY kanya-kanya talagang moment ang bawat character ng mga cast ng winning Broadway Musical na “In The Heights” lead by Nyoy Volante, Jackie Lou Blanco at ang bagong VJ ng MYX ang pretty at talented na si K-La Rivera.

Acoustic ballader and songwriter Nyoy played as Unsavi, the bodega owner who dreams of returning to his homeland Puerto Rico.

He has received critical acclaim on the stage in Atlantis Production’s stagings of “Legally Blonde,” “Hairspray,” “Dream Girls” and “The Rocky Horror” show. At tiyak na magugulat ang audience sa nasabing multi-talented artist sa husay nito sa pagra-rap at bilang narrator na rin ng said musical stage play.

Mag-mother naman ang role nila Jackie as Camila at Nina (K-La Rivera) na estudyante sa Standford na nang bumalik sa old neighborhood sa Washington Heights ay nakatanggap ng magandang news for her.

Say pa ni Jackie Lou first time niyang gumawa ng english language musical theater. Before, puro tagalog na stage play ang kanyang mga ginampanan at dalawa sa talagang kaaaliwan ng manonood ay ang character ng mag-among Ima Castro at Tex Ordonez.

Gagampanan ni Ima ang role ni Vanessa Unsavi, na isang parlorista at nagtatrabaho sa Salon ni Daniela (Tex). Kuwento pa mismo ni Ima sa recent presscon nila na ipinatawag ng Backroom Incorporated baklang-bakla siya sa play na ito at panoorin nyo na lang daw at carry-carry niya at mapapagkamalan nyo talaga siyang professional salon girl at say nyo. Ima recently starred in the title role of AIDA, also for Atlantis Productions.

Bale nagsisilbing comeback naman ni Tex ang broadway musical play na ito kung saan sobrang nag-enjoy siya sa kanyang character rito na hindi lang siya umaarte kundi sing and dance pa. Kumbaga very new for her ang nasabing role at very exciting dahil wonderful dancers ang makakasama nila rito at lahat sila kasama sina Nyoy, Jackie Lou, husband Calvin Millado at daughter na si K-La ay nagkikita-kitang madalas dahil sa iisa lang sila ng place sa Washington Heights.

Very Pinoy ang tema ng In The Heights at may kanya-kanya silang dreams dito. Ka-join rin sa cast ang mga sumusunod: Philppine Theater’s Golden Boy, Felix Rivera, Star In A Million Finalist Jimmy Marquez, Jay Glorioso.

In the Heights has Choreography by Cecile Martinez, Set Design by Mio Infante, Lighting Design by Jay Aranda, Costume Design by Twinkle Zamora, Musical Direction by Ceejay Javier and Vocal Coaching by ManMan Angsico. This is Directed by Bobby Garcia. For tickets pls contact Atlantis Productions at 892-7078 or at Ticketworld 891-9999 or visit their website www.atlantisproductionsinc.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply