Imoralidad sa Pasay City Hall

KUNG meron mang dapat wisikan daw ng holy water sa tuwing may ginaganap na misa sa Pasay City Hall, wala nang iba kundi ang opisyal na ito ng isang departamento roon at ang kanyang staff na napababalitang kalaguyo niya.

Pero giit ng isang empleyado sa kanilang departamento, hindi raw dapat wisik bagkus ay buhos daw ng isang baldeng holy water ang kailangang gawin sa dalawa para tuluyang magising na sa katotohanan.

Ang rason: Kapwa pamilyado daw sina sir at ma’am!

Pambihira naman. Sakaling wisikan nga ng holy water, hindi kaya umusok ang balat ng dalawang animal na ito?

Ayoko na sanang patulan ang sumbong sa akin hinggil sa “buking na relasyong imoral” ng dalawang hayok sa laman na ito pero nagbago ang aking isip dahil pumasok na ang anggulong pang-aabuso at pangmamaltrato ni “ma’am” sa kanyang mga kasamahan sa kanilang departamento na dati’y kalebel lang niya bilang contractual employee.

Nangyari ito magmula nang regaluhan ni “sir” ng dekampa-nilyang posisyon si “ma’am” para sa kanilang departamento.

‘Yan daw ay sa kabila ng hindi pagkakaroon ng civil service eligibility nitong si “ma’am!”

Hindi kaya sumablay itong si “sir”  sakaling  may magreklamo laban sa  kanya  sa Office of the Ombudsman ni Justice Conchita Morales o laban sa kanyang kalaguyo sa CSC (Civil Service Commission)?

At ngayong boss na rin itong si “ma’am” sa kanilang departamento, hindi raw makapalag si “sir” sa tuwing may makukursunadahan itong empleyado para ipalipat o ipasibak sa kanilang opisina.

Mukhang beterena na raw itong si “ma’am” sa ganitong uri ng sitwasyon dahil sa lalawigang pinanggalingan nito ay napabalitang naging “kalaguyo” na rin siya ng isang opisyal doon.

Sus ginoo!

Kaya’t ang resulta: Takot kay “ma’am” ang nangingibabaw sa loob ng departamento at hindi ‘yung diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa trabaho.

Tsk, tsk, tsk! Iba talaga ang dikta ng laman!

***

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply