Implementasyon ng ‘smoking ban’ tuloy pa rin

SA KABILA ng ipinalabas na 20-days Temporary Restraining Order ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC), itutuloy pa rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Mariing sinabi ngayon ni MMDA Chairman Francis Tolentino na kanila pa rin tututukan ang Edsa hindi lamang para sa mga naninigarilyo kundi pati na rin sa mga nagkakalat o mga tinaguriang litter bugs.

Ipinaalala ni Tolentino na mayroong multa sa mga mahuhuli na lalabag sa anti – smoking at no littering campaign ng ahensya.

Matatandan na inilabas ng korte ang temporary restraining order (TRO) matapos maghain ng reklamo sina Antony Clemente at Vrianne Lamson na nahuli ng MMDA na naninigarilyo sa Edsa.

Iginiit ng dalawa na mismong ang Korte Suprema na walang police power ang MMDA dahil ito’y isang development agency lang.

Wala rin anilang legislative authority ang MMDA para palawakin ang ibig sabihin ng “pampublikong lugar” batay na rin sa Republic Act (RA) 9211 o Tobacco Regulations Act.

Sinang-ayunan naman ni Judge Valenzuela ang katwiran ng dalawa at sinabing nakasaad sa RA 7924 o ang batas na bumuo sa MMDA na walang police o legislative power ang ahensya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply