Impok sa kinabukasan mula sa Hong Kong

KAPAG may isinuksok may madudukot!

Isang matandang kasabihan na napatunayan ng ating mga kababayan sa Hong Kong sa  pamamagitan ng tinatawag na Treasure principle.

Ang Hong Kong ay isang kilalang bansa sa Asya hindi lamang bilang isang tourist destination kundi bilang isa ring working spot para sa ating mga kababayang Overseas Filipino Worker.

Dito ay nakilala ko si Meriam Bagabaldo at kanyang isinalaysay sa akin ang isang programa na nagbukas ng  pintuan sa ating mga kababayang OFW sa Hong Kong upang makapag-impok para sa kanilang hinaharap at talaga namang nakatutulong ng malaki sa ating mga kababayan na nagbabanat ng buto doon.

“Yung treasure principle po is isang programa na ginawa para sa mga OFW, it’s a savings program with a rewards everytime na sila ay nag-iipon ng buwanan, ganun. “So kailangan lang nilang mag-ipon ng 200 dollars a month sa loob ng limang taon and then they just have to wait for another 10 years para nang sa ganun ay makuha nila yung talagang maximum na interest niya,” paliwanag ni Meriam.

Ang treasure principle ay isang programa na sinimulan ng isang kababayan natin na nakabase sa Hong Kong nang kanyang mapansin na ang ilan sa ating mga kababayan, bagama’t ilang taon nang kayod ng kayod sa nasabing bansa ay nananatili pa rin doon sapagkat wala pang sapat na impok para sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

“Yung mga domestic helper na mas marami rito ang talagang walang ipon, umuuwi sa Pilipinas na talagang walang pera and mababalitaan mo na bumabalik na naman dito. Kaya mahirap,” kwento pa sa akin ni Meriam.

Bagama’t hindi madaling simulan ang ganitong uri ng programa, nanatiling positibo at nagmamalasakit sa ating mga kababayan ang mga nagpasimula ng programang Treasure Principle. (Itutuloy)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply