Importer ng nawawalang container vans kilala na

PINANGALANAN na ni Congressman Rodolfo Fariñas ang broker na nasa likod umano ng pagkawala ng mga container van sa Port of Manila.

Sa bisa ng parliamentary immunity, inakusahan ni Fariñas ang isang Boy Valenzuela na siyang gumagapang sa customs para mailabas ang containers at dalhin sa kanyang mga buyer.

Isinawalat din ni Farinas na sa isang kilalang “supermarket chain” ibinabagsak ang mga nawawalang container van, na nagsasamantala naman sa ipinagkakaloob na pribilehiyo na “supermarket zone” na hindi maaaring gambalain ang anumang paglo-loading at unloading ng mga kargamento sa kadahilang pangkomersiyo at pang-ekonomiya ang aktibidad.

Sa pagdinig ng committee on customs and tarriffs and related issues, sinabi ni Congressman Magtanggol Gunigundo na nagkulang ang opisina ni Customs Commissioner Alvarez na mag-isyu ng mga alerto hinggil sa mga notoryus na importers kung saan naging normal na sa ahensya na aprubahan ang mga transhipments ng tatlong importers na LCM Trading, Sea Eagle at Moncelian Enterprise kahit ang mga ito ay walang confirmation o tagging na natanggap na ang mga kargamento sa pamamagitan ng e-mail.

Sa pagkukulang na ito ay nagawang mai-divert ang mga kargamento sa hindi na maipaliwanag na destinasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply