Industriya ng tabako ipaglalaban sa Kongreso

DAHIL nanganganib ang pagbagsak ng industriya ng tabako, inihayag ni Rep. Ryan Luis Singson na ipaglalaban ito ng mga kapuwa mambabatas na kasapi sa Northern Luzon Alliance para maprotektahan ang “lifeblood” ng mga Ilokano na Virginia Tobacco.

“Hindi natin hahayaang mapawi na lang ang main industry sa Ilokos na pinanggagalingan ng RA 7171 fund na nakatutulong sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra, kaya magtutulungan kami ni Rep. Owen Singson ng second district at iba pang mga diputado mula sa Northern Luzon para sa protection ng industriya.”  ani Singson.

Sinabi pa ni Singson na ang RA 7171 ang maituturing na legacy ni Gov. Chavit Singson nang nasa Kongreso na nakakatulong sa pag-unlad ng Ilocos Sur dahil itinuturing itong First Class Province.

Ipinaliwanag ng opisyal na hindi mapapantayan ng ibang lalawigan ang itinatanim nilang tabako sa Ilokos.

“Dahil sa mga threat na bumabagabag sa tobacco industry, pati ang RA 7171 ipaglalaban namin sa Kongreso para ‘di mamamatay ang tobacco industry.

Samantala, inihayag din ni Rep. Eric Singson, Jr., anak ni dating Deputy Speaker Eric Sr., na tutulong sa kapakanan ng mga nagtatanim ng tabako lalo na ngayon na mahigpit ang kampanya laban sa paninigarilyo na ipinatutupad ng World Health Organization (WTO).

Sinabi nito na nagpasa siya ng House Bill na humihiling sa mga kompanya ng sigarilyo na gumamit sila ng 75 porsiyento mula sa local tobacco. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply