Inilayo sa nobyo, dalaga nagpatiwakal

PATAY ang 18-anyos na dalaga nang magbigti makaraang ilayo ng mga magulang sa kanyang nobyo sa La Union sa ulat ng pulisya nitong Martes.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, patay na nang matagpuan si Lordiana Motin ng Barangay San Augustin East, Agoo, La Union.

Sa pagsisiyasat ng Agoo Municipal Police Station, bagong paligo pa ang dalaga nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagimbal ang mga magulang ng dalaga nang tumambad sa kanila ang nakabiting bangkay ng kanilang anak gamit ang isang kadena.

Napag-alaman pa ng awtoridad na posibleng sa sobrang sama ng loob ang nagtulak dito upang magbigti  matapos silang paghiwalaying ng kasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply