Intel fund ng GOCCs ibigay sa NBI – solon

KINUWESTIYON ng isang kongresista ang napakaliit na pondong inilaan ng gobyerno para sa intelligence fund ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa ginanap na  budget deliberation sa Kamara de Representantes na dinaluhan nina Budget Secretary Florencio Abad, Finance Secretary Cesar Purisima at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Amando Tetangco, kinuwestyon ni House Deputy Speaker Crispin Remulla kung bakit P18 milyon lamang ang inilaan para sa NBI gayung ang ahensya ang siyang tumutugis at nagmamanman sa mga kalaban ng estado.

Dahil dito, isinulong ni Remulla na ilipat na lang sa NBI ang intel funds na ibinibigay sa mga local government units at iba pang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) dahil naabuso lamang umano ito.

Mas kailangan aniya ng NBI ang dagdag na pondo, lalo na sa pagsasagawa ng mga investigative at forensic services sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Mula pa noong 2010, hindi na binago ang allotment sa Intel funds ng NBI na P18 milyon.

Batay sa panukalang badyet para sa susunod na taon ng NBI ay P842.559 milyon mas mataas sa proposed budget nito ngayon taon na P784,533 milyon.

Hindi naman pinaliwanag ni Abad kung ano ang rason nito ng pagbibigay ng maliit na intelligence fund sa NBI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply