Internet dapat para sa lahat – solon

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa pambansang pamahalaan na gumawa ng paraan upang magkaroon ng malawakang access sa internet ang lahat ng mga Pilipino matapos ideklara ng United Nations (UN) na ang internet access ay isang basic human right o batayang karapatang pantao.

Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, may-akda ng House Resolution 1397, tama ang UN report na ang internet ay nagpapalawak ng kapasidad ng taong magkaroon ng freedom of opinion and expression na siyang kailangan upang maipatupad ang karapatang pantao.

Aniya, pinalalawak ng internet ang economic, social at political development at nakadaragdag pa ito sa progreso ng sangkatauhan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may 30 million internet users, kung saan ang 3.6 million ay connected gamit ang broadband services.

Batay sa survey ng Yahoo-Nielsen, nakaka-access ang mga Filipino sa internet gamit ang mga internet cafes.

Gayunman, hindi pa rin lahat ay nakagagamit ng internet dahil sa napakaraming dahilan. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply