Int’l entertainment complex at pasaway na club sa Pasay

MARAMI ang nagtatanong kung bakit hindi raw nasisilip ng mga awtoridad ang International Entertainment Complex sa EDSA, Pasay City gayung mas talamak daw ang mga club dito kung sex trafficking din lang ang pag-uusapan kumpara sa ibang mga night club sa nasabing lungsod.

May sumbong na nakarating sa akin na may mga menor-de-edad na babae raw ang nagsisilbing hostess sa nasabing complex at kalimitang ibina-bar fine o inilalabas ng mga parokyanong dayuhan kapalit ng malalaking halaga.

At dahil puro foreigners ang karaniwang kostumer ng mga club sa nasabing lugar, pinangangambahan na ilan sa mga nagsisilbing “sex workers” sa nasabing lugar ay may taglay na ng sakit na HIV (human immunodeficiency virus) at iba pang matitinding STDs (sexually transmitted diseases) gaya ng sipilis at gonoriya.

Karamihan daw sa mga sex worker o GROs sa naturang enter-tainment complex ay walang mga working at health permit.

At kung meron man daw ay tiyak na pawang “peke.”

Ibig sabihin, malaking peligro sa komunidad ang banta ng entertainment complex na ito sakaling totoo ang mga ipinarating na sumbong sa atin.

Agarang aksyon ni Pasay City Mayor Tony Calixto at ng lokal na pulisya sa pangunguna ni Senior Supt. Napoleon Cuaton ang hinihintay rito.

Kahit sino pa ang nagsisilbing protektor ng nasabing lugar!

* * *

Paulit-ulit na sinasabi ni Mayor Tony Calixto na bawal ang bold show sa lungsod ng Pasay.

Pero ano itong nasisilip ng mga katoto natin na grabe raw ang bold show sa Wild River sa Rotonda, Volcano sa Taft Avenue, at Farenheight sa Roxas Boulevard?

Maging ang bar ng mga bading sa lungsod tulad ng Solution at Big Papa ay may bold shows na rin daw!

Ano ang ibig sabihin nito?

Hinahamon nila ang ipinag-uutos ni Mayor Calixto o sadyang bina-balewala lang dahil may mga padrino sila sa City Hall?

Col. Cuaton, ano ang dapat gawin sa mga ito?

* * *

Sa susunod, raratsadahin natin ang mga iligal terminal at mga kolorum na sasakyang bumibiyahe sa Pasay City.

Sangkaterba na ang reklamo laban sa mga ito na kinakailangang aksyunan na ng Land Transportation Office.

* * *

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply