Inutil sa PIO sa PDEA

BAKIT kaya biglang nawala ang Public Information Officer ng Philippine Drugs Enforcement Agency pagkatapos ng promulgation sa dalawang Alabang Boys noong Biyernes ng umaga sa Muntinlupa Regional  Trial Court?

Dahil kaya sa takot nitong ma-interview ng mga reporter na naroon nang mga sandaling iyon ?

Hindi ako nagkamali sa aking iniisip  na  kaya biglang nawala ang PIO ng PDEA na si Evangelene Almenario ay  takot  itong ma-interview dahil hindi alam kung ano ang isasagot sa mga tanong ng reporters.

Sa maghapong iyon ay nanahimik at hindi nagsasalita ang pamunuan ng PDEA. Maging ang kanilang PIO ay walang maibigay na reaksiyon tungkol sa pagkakaabsuwelto ng korte  kina  George Joseph at Richard Brodett.

Nang magbigay na ng reaction itong si  PDEA Director Jose Gutierrez, Jr. ay saka lang nagbigay ng  pahayag si Almenario at ang nakatatawa pa rito ay carbon copy ang mga sinabi nito sa sinabi ng kanyang boss.

Ano ba yan, PDEA Director , Jose Gutierrez. Jr., sir? Wala na bang puwedeng gawing PIO  diyan sa mga empleyado niyo? Nakahihiya na ang PDEA, palpak na nga ang mga operatiba, palpak din ang PIO.

Kahit sana palpak ang mga operatiba kung magaling ang PIO ay kayang- kaya ng pagtakpan ang mga  kamalian ng  mga  mandurugas na operatiba.

Kumuha naman kayo ng PIO na may laman kahit konti ang ulo at hindi yung puro papansin at pa-cute lang sa  inyo at sa iba pang  opisyal ng inyong ahensiya.

Ano naman kaya ang nararamdaman ngayon ng mga taga PDEA  sa alok na libreng training sa kanila  ng abogado ng Alabang Boys na si Atty. Randy Fornier.

Si Atty. Fornier ay nag alok ng libreng training sa mga operatiba ng PDEA  kung papaano ang tamang proseso sa pag-aresto sa taong sangkot sa droga.

Daig pang sinampal dito ang buong taga-PDEA. Ano  ang masasabi nyo rito, PDEA Director  Gutierrez  at PIO Chief Almenario?

Maging aral sana sa mga operatiba ng PDEA ang nangyaring pagkakaabsuwelto sa dalawang Alabang Boys .

At ano naman ang silbi ng PDEA  Press Corps ninyo, bakit hindi man lang ma alalayan  ang bobong PIO  dito?

Tsk, tsk, tsk, kawawa naman talaga itong PDEA. Sa halip na mapaganda ang imahe dahil sa tuwid na daan ay lalo pa yatang nabaon dahil sa hindi magandang pamamalakad at hindi tamang pagkuha ng mga taong ilalagay sa puwesto.

Nagtataka ang maraming empleyado ng PDEA kung bakit ayaw palitan ni Director Gutierrez itong si Almenario gayong napakarami raw magagaling na empleyado riyan.

Ano ang masasabi niyo, Director Gutierrez? Bakit nga ba ayaw niyong kumuha ng maayos at magaling makisalamuha sa tao na PIO?

O baka naman kaya ayaw mong palitan itong si Almenario dahil mas gusto ninyong walang mga reporter diyan sa PDEA para libreng makagawa ng mga anomalya ang inyong mga operatiba?

Marami ng nagrereklamo sa mga operatiba ng PDEA lalo na sa mga operatiba ng Metro Manila Regional Office (MMRO) pero ni minsan ay walang naglakas ng loob na ibulgar ang mga anomalyang ito dahil napakagaling magtago ng mga taga PDEA-MMRO.

Bakit kaya hindi na lang i-re shuffle ni  Director Gutierrez ang mga operatiba? Yung mga nasa Metro Manila ay dalhin naman sa Mindanao o Visayas at yung mga nasa Mindanao at Visayas ay dalhin naman sa Metro Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply