‘Investors ng China ‘di makukumbinsi ni PNoy’

MASYADONG mataas ang pag-asa ng marami na magiging mabunga ang state visit ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa China, ayon sa isang mambabatas na kaalyado pa naman ng Pangulo.

Tahasang sinabi ni San Juan Rep. JV Ejercito na malabong makapanghikayat ng mga investor ang Punong Ehekutibo dahil walang naparusahan sa mga opisyal na sangkot sa Luneta hostage fiasco noong nakaraang taon.

Ani Ejercito, sariwa pa rin sa ala-ala ng mga Tsino ang nasabing trahedya.

Idinagdag ng kongresista na hirap tanggapin ng mga pamilya ng mga biktima ang pagtanggi ng Pangulo na humingi ng public apology sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply