Isuzu Crosswind swak sa bangin: 1 patay, 4 patawirin

PATAY ang isa habang apat na turista ang malubha makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang Isuzu Crosswind sa Poyopoy Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba Benguet.

Nabatid na agad na nasawi si Hero Panaligan, 40, ng Quezon City habang kasalukuyang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center ang apat na turista na sina Emerson Maldia, 23; Jimmy Latimban, 30; Geraldine Aguilar, 27, at Allan Ebio, 30, pawang mga taga-Quezon City.

Nabatid na nawalan ng preno ang nasabing Crosswind na may plakang XFY 383 kaya nahulog ito sa bangin dakong 1:30 kahapon ng hapon, Agosto 21.

Napag-alamang nanggaling ang mga ito sa lungsod ng Baguio at pauwi na sana ang mga ito sa Quezon City nang maganap ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply