Isuzu i-Van

INILUNSAD ng Isuzu Philippines Corporation (IPC) ang i-Van – isang joint car project sa pagitan ng IPC at ng Centro Manufacturing Corporation (CMC) noong ika-29 ng Hulyo.

Ayon sa IPC, ang i-Van ang kanilang tugon sa tumitinding pangangailangan ng mga Filipino para sa isang sasakyang maaaring pampasahero o kaya nama’y makapagbibitbit ng sari-saring mga kargamento.

Dagdag pa nila, maaaring mapalitan ang disenyo at ang seating capacity nito ng naaayon sa nais ng mga mamimili. Ang seating capacity nito ay maaaring i-adjust mula 12 hanggang 18-seater at ang cargo capacity naman nito 1.5 tonelada.

Ang i-Van ay nabibilang sa hanay ng mga NHR light-duty truck ng Isuzu na may makinang 2.8 L, 4JB1 turbo-charged diesel engine, at kayang tumakbo ng 12.7 kms sa bawat litro ng diesel.

Ang i-Van ay power-steering. Mayroon din itong five-speed manual transmission at overdrive function at Flex Ride suspension na tatak na ng Isuzu. Ang laki at luwag nito ay tamang-tama para sa isang ambulansiya o kaya naman isang school bus.

Ang Isuzu i-Van ay nagkakahalaga ng P1.1 milyon habang ang baryante na pang-ambulansya ay nasa P1.5 milyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply