Itinatayong motel muling inalmahan ng simbahan

MULI na namang binatikos ng Apostolic Catholic Church ang itinatayong motel sa tapat pa mismo ng kanilang simbahan sa Brgy. Veterans, Edsa, QC.

Mariin na tinututulan ng nasabing simbahan ang itinatayong motel sa tapat ng kanilang simbahan dahil sa  isyung imoralidad.

Tinukoy ni Prof. Arsenio Organo, adviser ng nasabing simbahan na ang itinatayong gusali sa tapat ng kanilang simbahan sa Brgy. Veterans ay isang motel na pag-aari ng NICE Motel.

Sinabi ni Organo, bukod sa lumabag sa building code ang itinatayong gusali dahil kalapit lamang ito ng kanilang simbahan at dalawang eskuwelahan sa kanilang barangay na malinaw pa sa sikat ng araw na paglabag sa moralidad dahil malapit ito sa mga paaralan at sa simbahan.

Ang ipinagtatakhan ni Organo na pinatigil na umano ang pagkukunstruksyon na may dalawang buwan na subalit sa hindi malamang kadahilanan bakit muling sinimulan ang konstruksyon nito. Anong hokus-pokus na naman ang nangyayari at bakit muling ipinagpapatuloy ang pagkunstruksyon sa nasabing motel?

Alam  ba kaya ito ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang liderato.

Sobra yata ang lakas ng may-ari ng motel na ito sa pamunuan ng Quezon  City Hall na napatigil subalit muli na namang sinisimulan ang kuns-truksyon nito.

Mukhang may mga tiwaling opisiyal na ‘kapit’ ang may-ari ng nasabing motel mula sa Quezon City Hall Engineering Department  at sa Business Permit Licensing Office (BPLO).

UNTOUCHABLE PA RIN ANG LOTENG

Tuloy pa rin ang pa-loteng nina Romy Waway at Benjie sa Rizal dahil walang ipinagmamalaki ang mga ito kundi ‘rekta’ sila kay PD Supt. Manuel Cesar Prieto.

Malaki ang ibinibigay nilang  I.N.T. kay PD.

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply