Iwa Motto, naisahan ni Janna Dominguez

KUNG ang sexy star na si Iwa Moto, emote ng emote ngayon sa Japan kasama ang kapatid para makalimutan ang ex-dyowang si Mickey Ablan, eh siya namang kabaligtaran sa personal na buhay ng isa pa ring sexy star na si Janna Dominguez.

Kasi naman, feeling nasa “cloud 9” ang hitad sa pag-amin na sila na nga ng dating BF ni Iwa. Kung noon daw panay ang tanggi niyang sila na ni Mickey, ngayon daw ay pinangangalandakan na niyang may relasyon na nga sila.

Tsika tuloy ng maka-Iwa, sinasadya raw talaga ni Janna na pasakitan si Iwa para mapag-usapan pa siya at sa ganun ay tuluyan nang makilala sa showbiz, as in ginagamit lang daw ni Janna si Iwa para mapansin ng masa.

Sa isang panayam ay madiing sinabi ni Janna na kung gusto raw niyang makilala sa ‘paggamit ng ibang tao,’ dapat daw pala ay noon pa niya ginawa sa isang isyung nasangkot ang pangalan niya pero nanahimik lang daw siya.

Iba naman sa kaso ni Iwa na kung saan ay panay raw twitt nito sa kanyang Twitter account ng mga pahayag na sobrang negatibo ang dating kay Janna na hindi na nga raw nakayanan pa ng huli kung kaya sinagot na niya ito.

Maging si Janna man ay nagsasawa na sa tila walang kamatayang isyu sa pagitan nila ni Iwa kung kaya kahit na siya na raw mismo ang unang lumapit kay Iwa para kausapin ito at magkaayos ay gagawin niya.

Say pa rin ni Janna, gusto niyang maka-one-on-one si Iwa nang walang kamera o nakapaligid na iba, silang dalawa lang at ayusin ang anumang gusot na kanilang napasukang dalawa.

*****

KAHANGA-HANGA ang tapang na pinapakita ng baguhang singer na si Joel Mendoza. Eh kasi nga naman may sakit siyang leukemia at heto ay namana raw niya sa kanyang lahi.

Sa katanuyan pa nga, inamin ng mahusay na singer na sakit din na leukemia ang ikinamatay ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Pero sa kabila ng pinagdaraanan, nakuha pa ni Joel na gawing inspirasyon ang kanyang sakit para makalikha ng mga magagandang kanta at patuloy na tuparin ang kanyang pangarap na maging isang singer.

Halos 200 mga kanta na ang nagawa ni Joel kung kaya nang iparinig ng baguhang singer sa magaling na composer na si Vehnee Saturno ang kanyang mga nilikhang kanta, hindi ito nagdalawang-isip na sabihing ang mga kantang nilikha ni Joel ay talagang pang-single o yung tipong magiging instant hit single. At hindi naman nagkamali ng hinala ng maestro dahilan sa ilang buwan lang halos na nilabas ang first album ni Joel na Pakinggan Mo Ako….Joel Mendoza ay nakapasok agad ito sa Top Chart sa iba’t ibang record bars sa Kamaynilaan.

“This album, Pakinggan Mo Ako, is a living testament, that it’s never too late to pursue a dream” yan ay isang linya lamang sa katagang binitawan ni Joel sa harap ng press people sa launching ng kanyang album.

***

MUKHANG malabo na ngang matuloy pa ang dapat sanang tambalang Dingdong Dantes at Heart Evangelista.

Sa huling balita kasi, si Rhian Ramos na muli ang makatatambal ni Dingdong sa susunod na teleseryeng gagawin nito sa GMA-7 samantalang maugong naman ang tsikang malamang na si Geoff Eigenmann naman ang makatatambal ni Heart sa sisimulan niyang bagong project sa GMA-7.

May kinalalaman kaya si Marian Rivera sa naudlot na tambalan nina Heart at Dingdong? Tiyak na hindi pwedeng hindi malagyan ng kulay ang pagbabagong ito. Malamang pinapalamig muna ang mainit na isyu sa pagitan nina Marian at Heart, na naging ugat ng word war na ito ng dalawa ay ang pagkakabanggit sa pangalan ni Dingdong Dantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply