Iwas gastos: Oath-taking ng mga nars kinansela

KINANSELA ang oath-taking ng mga bagong pasang nars nito lamang nakalipas na pagsusulit.

Ito ang kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang press statement.

Layon ng pagkansela sa oath-taking na makatipid sa pondo hindi lamang sa sangay ng gobyerno kundi maging sa pamilya ng mga pasadong nurse.

“While the oath-taking is a requirement of law, the Board [of Nursing] decided to simplify it to save on costs and other expenses relevant to the holding of the traditional mass oath-taking”, pahayag  ng DOLE  alinsunod sa sinabi ni Professional Regulation Commission chief, Teresita Manzala.

Gayunman, maaari namang manumpa ang mga bagong pasadong nars ng paisa-isa o sa pamamagitan sa sandali ng kanilang pagpaparehistro o pagkuha ng lisensiya sa PRC.

Ang Board of Nursing ang nangangasiwa sa nursing professionals sa ilalim ng PRC, isa naman sa mga ahensiya na saklaw ng  DOLE.

Dinepensa rin ni Labor Secreatary Rosalinda Baldoz ang naturang hakbang ng PRC at BON batay na rin aniya sa kasalukuyang sitwasyon o socio-economic condition na nararanasan ng bawat pamilya.

Sa resulta ng July 2011 nursing board exam, umaabot sa 37,513 ang nakapasa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply