Iza Calzado totoong hiwalay na sa businessman boyfriend

TOTOO palang hiwalay na si Iza Calzado sa kanyang businessman-boyfriend na si Atticus King. Remember very supportive si Atticus sa showbiz affair ni Iza. Nag-pose pa siya sa isang men’s magazine na mismong ang boyfriend pa niya ang publisher nito. Mas sexy pa ang ginawa ni Iza sa mga pictorial ng Beauty Queen soap niya kaysa sa cover ng magazine. Until now, hindi pa rin mapapayag si Iza na magpose sa FHM.

Very demure ang lumabas noong cover photo. Pumayag lang si Iza na mag-cover dahil si Atticus ang isa sa mga publisher ng magazine.

Sa interview kay Iza, nasabi niyang mutual decisionn nila ang mag-separate ways dahil natapos ang lahat na magkaibigan silang dalawa.

Nagpaunlak lang siya ng interview sa “Showbiz Central” sa host na si Pia Guanio dahil sa close naman sila nito. Magkasama kasi silang dalawa sa “Eat Bulaga.”

Ani Iza: “Totoo ang mga nakalagay sa blind item na tinutukoy ako at ang boyfriend ko. Nagsalita ako sa Showbiz Central dahil para hindi ako mag-i-explain sa lahat ng reporters na makakausap ko. Minsan lang ako magsasalita at magpapaliwanag ng lahat.”

Balita naming may bagong primetime project si Iza sa GMA-7. Kaya di rin totoo na lilipat siya ng ibang network.

000

OKAY lang kay Derrick Monasterio na maging second lead lang ang love team nila ni Lexi Fernandez sa pinag-uusapang movie ngayon ng mga kabataan, ang “Tween Academy Class of 2012.” Alam ni Derrick na talagang pinaka-center ng movie ay ang mga tambalang Bea Binene at Jake Vargas, Barbie Forteza at Joshua Dionisio, at Louise delos Reyes at Alden Richards.

Umaasa si Derrick na sa  susunod na Tween Academy, The Musical ay isa na siya sa maiging tampok sa movie dahil talaga naman pagdating sa kantahan ay hindi pahuhuli si Derrick.

Tulad ngayong gabi ay kasama siya ni Ogie Alcasid bilang panauhin sa concert nito sa Resorts World Theater sa may NAIA 3 Termina sa Pasay City.

Si Ogie ang nagbinyag kay Derrick na Josh Groban ng Pilipinas.

Gayon na lang kaalam kumanta ng mga classical song si Derrick dahil nagsimula siya bilang singer sa church choir. Malaking impluwensiya sa bagets ang natutunan niya sa pagiging choir member.

000

DAHIL sa success ng “Munting Heredera,” nagkaroon ng thanksgiving mass para sa programa bilang pasasalamat sa pagiging No. 1 ng show sa evening primetime. Dumalo ang buong cast na ginawa sa 17th Floor ng GMA 7 building sa EDSA.

Siyempre, hindi mawawala sa affair si Direk Maryo J. delos Reyes na very proud sa kanyang project. Sinasabi ng marami na forte ni Direk Maryo J na paartehin ang mga bata sa screen. Remember “Magnifico” ni Direk Maryo J na humakot ng awards sa mga award-giving bodies hindi lang sa Pilipinas kundi halos lahat ng international film festivals? Naikot ni Direk Maryo ang iba’t ibang parte ng mundo para lang tumanggap ng award para sa Magnifico na ang bida ay isang child actor.

Dito sa Munting Heredera ay tatlong batang babae ang bida na pawang nagpapanggap na sila ang tagapagmana ng kayaman ni Lola Ana na ginagampanan ni Gloria Romero.

Abangan ngayong linggo kung paaano makakatakas si Mark Anthony Fernandez bilang Jacob sa kamay ng kumidnap sa kanya.

Nabuhay si Desmond na role ni Gabby Eigenmann sa halos patayin si Simeon.

Malaman na kaya ng ni Lola Ana ang tunay niyang apo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply