Jackie Rice carry ng beauty niya na pinabantayan siya ng dyowa sa set ng Sisid

WALANG kiyemeng sinabi ni Jackie Rice na binabantayan siya kung minsan ng kanyang boyfriend for almost two years na non-showbiz sa set ng Sisid. Okay naman sa kanya. Di siya naiilang kahit kaharap ang boyfriend na nakikipag-kissing scene siya sa kanyang dalawang leading men na sina JC Tiuseco at Dominic Roco. Katwiran niya, na- kakapanood ang bf niya ng mga eksenang may kissing scene at love scen siya. Alam naman ni lalaki na trabaho lang lahat ito.

Basta, mas masaya siya kapag nasa paligid lang ng set ng kanyang boyfriend. Feel secure at inspired kung umarte .

Ani Jackie: “ Nakakatulong naman siya sa akin kapag wala akong kasama sa set. Tinu- tulungan niya ako sa mga gamit ko. Ipinagda-drive niya ako. Di na ako makapag-drive dahil pagod sa taping na magdamagan.

“Pag wala naman akong taping, sinasamahan ko siya sa office niya. May sariling fa- mily business ang pamilya niya. Siyempre, kasama siya sa management ng business. Tinutulungan ko siya sa mga paper works niya. Tulungan lang kaming dalawa.”

Naiilang ba ang mga kasamahan niya sa set, lalo na ang  dalawa niyang leading men na sina JC Tiuseco at Dominic Roco?

“Naku, hindi po. Kabarkada na niya ang dalawa sa set. Buddy buddy na sila! Nagkuku- litan at nagbibiruan. Pati director namin ay kaibigan na rin ng boyfriend ko.”

Hindi malilimutan ni Jackie ang Sisid dahil sa rito siya natutong lumangoy. Dito nahilig sa pagsisid sa dagat.
Sa ngayon, gusto na niya i-pursue ang pagkahilig sa water sports.

Nakakalangoy na na siya ng hanggang 20 feet deep. Nagawa niya ito sa isang eksena nila na sa Anilao, Batangas pa kinunan. Nakalangoy na rin siya sa aquarium ng Ocean Park na kasama ang mga stingray na lalim ay 12 feet. Hindi na siya takot sa pating at iba pang hayop sa dagat. Nasanay na rin si Jackie na makalangoy niya ang mga ito.

Hanggang September pa mapapanood ang nakakasabik na eksena ng Sisid. Proud si Jac- kie sa first solo soap niya dahil sa nagri-rating ang soap. Kaya na pala niyang madala ng sariling show.

***

DI lang pala si Gardo Versoza ang nagkasakit habang nagti-taping ng Amaya, pati si Glaiza de Castro man ay isang linggo ring down with the flu. Nung Friday lang siya muling nakapag-report sa set ng  Amaya. Hindi raw kasi maaaring di mabasa sa set dahil sa sunud-sunod na pag-ulan. Si Gardo ay na-confine sa hospital sa sakit na typhoid fever.

Last Sunday, pinilit lang talaga ni Glaiza na mag-report sa Party Pilipinas. Kailangan kasing andoon siya para sa production number.

Eh, tipo pa naman ni Glaiza na hindi marunong tumanggi sa trabaho. Talagang nai-down siya ng ng trangkaso. Inuubo at mataaas ang lagnat.

***
Sen. Bong ibinalik ang character ni Rhian Ramos sa Panday

LAKING pasalamat ni Rhian Ramos kay Sen. Bong Revilla dahil kinuha muli siya sa Pan -day movie ng butihing senador. Noong una kasing lumabas siya sa movie ni Bong ay namatay siya. Anyway, kaya kahit walang soap si Rhian ang pinagkaabalahan naman niya ay ang paggawa ng pelikula ngayon, gayundin ang TV hosting sa GMA News TV Channel 11 sa isang showbiz-oriented show.

Samantala, patuloy ang matataas na ratings ng  Kap’s Amazing Stories dahil talaga namang aabangan ng mga bata’t matanda ang programa dahil marami kang matututunan sa paraan na hindi nakakainip panoorin.

Ngayong Sunday ay tampok ang mga hayop sa dagat na nabubuhay pa rin pero kinatata- kutan ng tao at kapwa lamang dagat. Mapapanood ito pagkatapos ng Pepito Manaloto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply