Jail guard, 171 preso hinostage sa Antique

PATAY ang isang jail guard habang 171 bilanggo ang ginawang hostage nang kapwa nila bilanggo sa San Jose District Jail sa Antique province, kagabi, Agosto 25.

Ayon sa report ng dzBB, humupa naman ang tensiyon nang sumuko ang mga bilanggo hatinggabi na ng Huwebes.

Inihayag din sa naturang report na nagsimula ang ang insidente nang barilin at mapatay si Jail Officer 2 Romer Saquibal ni Christopher Fernando.

Matapos barilin si Saquibal, kumuha si Fernando ng mga bilanggo upang i-hostage katulong ang iba pang mga preso upang maging pananggalang sa mga awtoridad habang nakikipagnegosasyon.

Tumagal ng pitong oras ang negosasyon bago sumuko ang mga bilanggo.

Tinatayang mayroong 172 preso ang nakadetine sa Antique jail.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply