Japeth Aguilar balik-laro sa Tropang Texters

SA PAGBUBUKAS ng PBA 37th Season sa Oktubre 2 sa Smart-Araneta Coliseum ay napagpasyahan ng TNT franchise management na panatilihin ang line-up na ginamit sa katatapos na Governors’ Cup title series na kung saan tinanghal na runner-up ang koponan ni business tycoon-sportsman Manny V. Pangilinan.

Ang tanging pagbabago ay ang pagbabalik sa line-up ng 6’9 No. 1 pick noong 2008 PBA draft na nanggaling sa West Kentucky University na si Japeth Aguilar.

Si Aguilar na nakakuha ng eksperyensa sa Smart-Gilas Pilipinas team sa iba’t ibang kompetisyon ay makakasama sina Most Valuable Player Jimmy Alapag at Most Improved Player of the Season na si Jason Castro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply