JM de Guzman crush pa rin si Jessy Mendiola

HINDI nawawala ang malaking pagka-crush ni JM de Guzman kay Jessy Mendiola dahil pareho silang ABS-CBN stars at madalas silang magkitang dalawa sa network.

Naikuwento ni JM sa amin na nang unang makita lang niya si Jessy, iba na talaga ang paghanga niya sa dalaga. Bukod sa super ganda, super bait pa ito sa kanya. Kaya ganoon na lang ang paghanga ng binatang 22 years old na ngayo’y recording artist ng Ivory Music and Video.

May nai-release na self-titled album si JM sa Ivory recently kaya sunud-sunod ang kanyang mall tours. Kasama sa album niya ang original songs na sinulat pa niya, ang Carried Away at Give You the Word. All in all ay may siyam na awitin sa album na yung iba ay revivals.

Sa August 28 sa SM Clark si JM at sa iba pang venue na isusulat namin.

Tungkol sa love life ni JM, pahinga muna siya. Loveless siya ngayon dahil concentrated ang panahon niya sa kanyang career.

Dalawa na ngayon ang gusto niyang magampanan. Pero kung papipiliin siya, mas gusto niya ang acting. Nasa puso raw niya kasi ang pag-arte. Kaya di na mabilang na soap ang kanyang sinamahan. Umaasam si JM na bigyan din siya ng big break ng ABS-CBN 2.

***

NAGBUNGA ang matatag na friendship ng love team nina Bea Binene at Jake Vargas. So far, halos dalawang taon na silang magka-love team sa mga soap ng GMA 7.

Nang nakausap namin si Bea sa presscon ng “Pahiram ng Isang Ina” kung saan siya ang title role sa soap, nasabi ni Bea na nakatutok lang ang relasyon nila ngayon ni Jake sa kanilang career. Wala raw munang ligawan na nagaganap sa kanilang dalawa. Gusto lang nilang maging magkaibigan muna.

Bukod pa sa 13 years old lang si Bea, kaya sa working relationship nilang dalawa ni Jake ay magkaibigan lang sila para walang anumang awayang maganap na tulad sa magka -sintahan sa set.

Kumbaga, biru-biruan lang kapag nagkukulitan silang dalawa.

Gamay na kasi nila ang isa’t isa. Trabaho lang ang ginagawa nila para na rin sa kasiyahan ng kanilang lalong dumaraming fans.

Simula ngayong Monday, August 15, magsisimula na ang soap na pinagbibidahan nina Bea at  Jake. Malalaking artista rin ang kasama nila sa soap na bida role rin ang ginagampanan tulad nina Carmina, Maxene Magalona at Marco Alcaraz.

Ang soap ay nasa direksiyon ng award winning megman na si Joel Lamangan.

***

KUNG masusunod si Marco Alcaraz sa kasal nila ni Precious Lara Quigaman next year, gusto niya ay siya lahat ang gagastos sa kasalan. Pero ayon kay Marco na nakausap namin sa presscon ng “Pahiram” ng Isang Ina, ayaw pumayag ni Precious. Gusto ng kanyang future wife na share silang lahat sa gastusin.

Ani Marco: “Nakapag-save na ako ng enough dahil mabait naman sa akin ang GMA 7. As you can see, sunud-sunod ang project ko sa kanila. Hindi pa nga ako tapos sa “Sisid,” heto may bago na akong afternoon soap na kapartner ko si Maxene Magalona.”

Ginawa na lang ng production people kay Marco ay minadali ang character niya sa Sisid. Matagal pa ang soap ipalalabas pero pińatay na ang kanyang character. Binaril na siya sa istorya ni Bembol Roco dahil sa pagtataksil sa grupo.

Ani Marco: “Ayaw ng production na maging dalawa ang soap kong ginagawa, mahihirapan nga naman ako sa schedule. Saka fulllenght din ako sa Pahiram ng Isang Ina dahil boyfriend ako rito ni Maxene Magalona. Nasa lead role din ako na tulad nina Carmina (Villarroel), Maxene, Jake (Vargas) at Bea (Binene).”

Tungkol sa kasal nina Marco at Precious, end of 2012 ang target date nila. Wala pang complete entourage at principal sponsors. Pero gusto ni Marco na sa Batangas gawin ang kasalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply