JM de Guzman gay friendly

KAHIT na anong kulit pa ang gawin ng mga kapuwa-reporter na paaminin ang promising young singer-actor na si JM De Guzman (anak ng isang National Press Club official) kung papatol ba ito sa bading na handang magbigay sa kanya ng kotse at datung, isang pagkalakas-lakas na “hindi” ang tanging sagot ni JM. Magkaganunpaman, aminado ang bagets na marami siyang kaibigan at nakakasamang mga gay.

Noong nag-aaral pa siya sa UP, mga bading daw ang professor niya ‘yung respeto niya sa kanila ay mataas.

Ibig sabihin wala pa siyang karanasan sa bading?

Wala. Wala raw talagang ganoon na nangyari sa kanya. At kung sakaling operan naman siya na magtodo-hubad sa isang stage play, hindi raw siguro niya ito tatanggapin dahil hindi siya puwedeng maghubad. Marami kasi siyang tattoo sa katawan at ang pangit daw tingnan. Ang nakakalokah, my loving BFFT Pete A. ay true kaya na nag-dialogue raw itong si JM na hindi rin niya puwedeng ipakita ang kanyang equipment dahil baluktot ito?

Well, kahit ano pa ‘yan. For us, guwapo at lalaking-lalaki ang dating ng said young actor na ating napanood sa katatapos magwakas lang sa ereng Mula sa Puso kung saan naging leading-man ito ni Laureen Young.

***

Gerald Anderson kasama na nina Sarah Geronimo at Vice Ganda bilang Globe endorser

GRABE talaga ang popularity na tinatamasa sa ngayon ng ating Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Aside kasi sa pagkakahirang sa kanya bilang Top 5 sa survey ng Yes Magazine para sa Top 20 Celebrity Endorsers kung saan naka-level na niya sina Sharon Cuneta at Kris Aquino, rito sa kanyang bagong TVC para sa Globe, makakasama na nila ni Vice Ganda ang bagong kapamilya nila sa nabanggit na Telecommunication Company  na si Gerald Anderson.

Pare-pareho nilang ipo-promote nina Vice at Gerald ang bagong malaking promo ng Globe na SuperUnli All Text 25 (sa murang halaga na P25 ay may unlimited text ka for all networks plus ten minutes call na Globe to Globe at may bunos pang one hour free Internet surfing sa loob ng isang araw). Actually, ang ipinang-imbita sa recent presscon ay si Vice Ganda pero sa VTR lang pala mapapanood ito at ang bumulaga sa entertainment press ay ito ngang sina Sarah at Gerald na buong ningning na ipinagmamalaki ng Globe bilang mga endorser. At ‘yung movie ng dalawa ay mag-uumpisa nang mag-shoot this month ng follow-up sa blockbuster movie nilang “Catch Me…I’m In Love” na under Star Cinema at Viva Films pa rin.

Samantala, napa-wow naman si Sarah nang matanong sa kanya kung totoong gagawa sila ng movie ng ating nagbabalik-showbiz na superstar na si Nora Aunor.

Now lang daw niya ito narinig at wala pa siyang alam tungkol dito.

Pero sakaling magsama nga sila ni Ate Guy ay dream come true raw ito for Sarah. Ikinuwento rin ni Sarah na nagkita na sila ni Nora sa LA (Los Angeles, California) noong pauwi na siya ng bansa sa airport lang sila nagkita ng superstar. May balita rin na gagawa sila ng movie ni megastar Sharon Cuneta. Itong project na ito ay narinig na niya pero, as of now wala pa raw confirmation mula sa kanyang manager na si Boss Vic del Rosario. Aba! Kapag natuloy ang mga ito, certified star na star na talaga itong si Sarah dahil mga big, big star na ang kanyang makakasama sa movie. May niluluto rin pa lang project for her ang Viva at Carlo Caparas studio. Ito ay ang remake ng pelikula noon ni Janice de Belen sa Viva Films na “Rosenda.”

Magbibigay ng acting award kay Sarah ang project na ito. Wapak, gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply