JMSU pagtataksil sa soberenya ng Pilipinas

PAGTATAKSIL sa soberenya ng Pilipinas ang joint marine seismic undertaking (JMSU) na gagawin ng China at Pilipinas.

Ikinatuwiran ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ang pagpayag ng administrasyong Aquino na magkaroon ng oil exploration ang China sa Spratlys ay nagbibigay ng pagkakataon sa China na malaman ang impormasyon at lokasyon ng mapagkukunan ng langis at natural gas.

Giit pa ng mambabatas na malamang nililinlang lamang aniya ng Tsina ang pamahalaan sa $2 hanggang $7 bilyon na maiuuwi ni PNoy sa bansa bilang resulta ng kanyang state visit sa Beijing, China gayung ang makikinabang lamang aniya sa langis kasabay ng pagtatayo ng kanilang mga imprastraktura sa Spratlys.

Dahil dito, muling haharangin ng Bayan Muna ang napipintong pagkontrol ng China sa Spratlys sa pamamagitan ng pagtutulak muli ng kanilang petisyon sa Korte Suprema na ipatigil ang JMSU agreement.

Ganito rin ang paninindigan ni Akbayan Partylist Rep. Walden Bello sa pagsasabing dapat panatilihin ni PNoy ang pakikipagkaibigan sa China subalit hindi aniya dapat makompromiso ang pambansang interest ng Pilipinas.

Giit ni Bello na ang pagpupulong nina PNoy at Chinese head of state Hu Jintao ay maituturing na positibong hakbang sa pagitan ng dalawang bansa subalit hindi aniya dapat magpadala ang punong ehekutibo sa pangakong kalakal ng China.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply