John Rey Enriquez pumuntos sa ARRC

CHENNAI, INDIA — Matagumpay na nakapasok sa top 10 ang Team Suzuki Pilipinas rider na si Yusuke Teshima sa SuperSports 600cc category sa race 2 ng Asia Road Racing Championships sa Madras Circuit noong Linggo.

Nakakuha ng 01:46.005s best lap time si Teshima mula sa 16 lap runs sa loob ng 59.47km track.

Nagkaroon din ng karagdagang anim na puntos si Teshima mula sa round na ito.

Samantala, nanatili pa rin sa unang pwesto si Decha Kraisart ng Yamaha Thailand Racing matapos ang dalawang karera, habang nasungkit naman ni Md Zamri Baba ng Petronas Yamaha Malaysia ang ikalawang pwesto mula kay Azlan Shah Kamaruzaman ng Boon Siew Honda Racing Malaysia matapos ang race 2.

Laglag naman si Doni Tata Pradita ng Yamaha Indonesia Racing sa ikalimang pwesto nang maagaw ni Toshiyuki Hamaguchi ng Moto-Rev India ang pwesto ni Pradita matapos ang dalawang karera.

Sa unang pagkakataon ng 2011 ARCC, pumuntos ang Underbone racer na si John Lery Enriquez nang matapos niya ang race 1 sa 12th spot.

Ayon sa team manager na si Benedict Arreola, masaya siya sa mga naging resulta ng Madras round ngunit aminado rin siya na kailangan pa nilang mas paghusayan partikular na sa Underbone category.

Ang susunod na karera ay gaganapin sa Autopolis Race Track, Japan sa Setyembre 8-13.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply