Jolo naglaway sa boobs ni Kim

SA ISANG eksena sa “My Binondo Girl” na napanonood pagkatapos ng “100 Days To Heaven” ay natutukan ng camera ang boobs ni Kim Chiu na talaga namang nakapukaw-pansin sa mga barako dahil sa laki at ganda ng hubog nito.

Ngunit kamukat-mukat mo’y biglang ‘yung mukha na lamang ni Kim ang sinentro ng camera. Nahalata yata nilang masyadong daring ang eksenang iyon sa primetime slot na kung saan pati mga bata ay nanonood.

Hindi naman malaswa ang eksena. Nag-uusap lang naman ang dalaga at si Jolo Revilla (kaya siguro lalong nagka-interes si Jolo na ligawan ang dalaga dahil sa magic “boobs” ni Kim. Hahaha!). Iyon nga lamang, malakas talaga ang dating kung ang dating siyota ni Gerald Anderson ang magpakita ng cleavage dahil bata ito’t maganda. At siyempre, curious ang tao kung paanong lumaki ang dibdib ng bida ng My Binondo Girl gayung alam ng lahat na wala naman siya nito eversince nang mag-start siya sa showbiz partikular sa Pinoy Big Brother (PBB).

Well, palibhasa magaling namang umarte si Jolo kaya hindi naman nahalatang kamuntik nang malaglag ang laway niya sa eksenang iyon. Hahaha!

Hindi rin obvious na nagtilam-tilam siya sa tagpong iyon. Hehehe!

Anyway, ang ganda ng ratings ng teleseryeng ito. Bago kasi ang istorya at bagay talaga si Kim sa kanyang role. Swak na swak ang kanyang karakter.

Hindi tayo masyadong aware sa relasyong Chinese-Filipino, kaya naman hindi natin alam na marami ring Pinay ang naaanakan ng isang Chinese national o ‘yung mga singkit na nasa China town na napapabayaan o hindi kinikilala ng mga kaanak dahil sa kanilang tradisyon na dapat ay sila-sila lang ang magsasama.

So, ang singkit ay para sa singkit lang. Hindi singkit at kirat. Naintindihan mo, Randy Santiago? Hahahaha!

***

KC Pinagmukhang trying hard ni Piolo

ALIGAGANG-ALIGAGA si KC Concepcion sa pagpapaliwanag sa isyung may pinagdadaanan sila ngayon ng boyfriend niyang si Piolo Pascual. Sa “The Buzz” last Sunday ay kanyang ipinaliwanag na may mga nangyayari talagang hindi pagkakaunawaan sa magkarelasyon pero iyon ay natural lang daw. Lahat naman daw ay nagdadaan sa ganong proseso. Tama ‘yun!

Ang mali, bilang lalaki, dapat si Piolo ang unang-unang nagpaliwanag dito. Hindi puwede rito ang ‘ladies first.’ Dapat sinagot niya agad-agad ang statements ni Sharon Cuneta dahil nanay ito ng kanyang siyota.

Hinintay pa niyang ‘yung anak naman ang sumagot. ‘Yung mag-ina lang ang salita nang salita samantalang s’ya ay nanahimik lamang sa isang tabi.

Pinagmumukha niyang trying hard ang kanyang girlfriend. Hindi naman bagay kay KC ang ganitong sistema. Kaya, Papa Piolo, go out and vote, este, lumabas ka na at mag-explain. Mabait ka naman at maginoo, kaya patunayan mo ito sa madlang pipol.

***

Isyu ni Osang sa pulis na nagnakaw ng kanyang motor ‘di na pinalaki ng TV5

PINATUNAYAN ng kapatid ng pulis na sinsabing nagnakaw ng motor ni Rosanna Roces na may relasyon ang utol niya at ang dating hubadera. Kaya wala raw nakawang nangyari. May consent daw ni Osang ang paggamit ng motor ng naturang lespu.

Nu’ng una’y pumalag kuno si Rosanna at nagtaray. Hindi raw true na may namagitan sa kanila ng huli. Kinabukasan binawi naman agad nito ang reklamo sa pulis na matulis. Pinatawad na raw niya ang dating papa. Hehehe!

Balita natin ay umaksyon daw dito ang TV5. Hindi na nila pinalaki ang isyu sa Kapatid talent nila na meron pa namang mini-series na ginagawa sa kanila kung saan kontrabida siya ni Nora Aunor.

Noong isang araw ay nakuha na rin ng lola ng mga hubadera ang kanyang nawawala o winawala-walang sasakyan. Go siya sa Camp Crame at genetsing ito.
‘Yun na!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply