Joseph Bitangcol naaksidente

SUGATAN ang aktor na si Joseph Bitangcol at lima pang kasama nito makaraang maaksidente ang sinasakyang Mitsubishi Montero-type sport utility habang patungo sa Antipolo City umaga ng Miyerkules, Agosto 10.

Nabatid sa ulat ng dzBB na nasagi ang naturang sasakyan ng isang 10-wheeler truck na minamaneho ni Victor Beltran sa Sumulong Highway malapit sa Fatima College sa Antipolo City.

Inaresto naman si Beltran makaraan ang insidente habang isinugod ang anim na sugatan sa Amang Rodriguez Medical Center para magamot.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply