Joshua Dionisio playboy!

SIXTEEN years old na si Joshua Dionisio at marami nang nagsasabi na masyado na itong naughty at playboy.

Kaagad naman itong itinanggi ng young actor dahil di raw totoo. Wala nga raw nali-link sa kanya at wala rin daw siyang babae na pinaglalaruan.

Pero aminado si Joshua marami siyang crush, bukod kay Barbie Forteza, crush rin niya si Sam Pinto.

Feeling nga raw ni Joshua ginaya lang siya ni Alden Richards na may rush din kay Sam. Una raw siyang nagsabing crush niya si Sam.

Ayon pa sa ka-loveteam ni Barbie, binoto pa raw niya ang alaga ni Ms. Claire dela Fuente para mag-number one sa Sexiest Women sa FHM, pero never pa raw siyang bumili ng nasabing mens magazine. Pakikisama lang daw ang ginawa niya dahil kasama niya sa pelikulang Tween Academy: Class 2012 si Sam.

Samantala, itinanggi rin ni Joshua na nililigawan niya si Julie Anne San Jose at maski raw si Barbie ay hindi niya nililigawan.

Hindi raw porke’t niregaluhan niya ng diamond earrings ang dalaga, nililigawan na niya ito. Matagal na raw silang magkasama bilang magka-loveteam kaya napapanahon na raw na regaluhan niya si Barbie.

Bakit diamond earrings ang birthday gift niya sa ka-loveteam?

“Para naman maiba. Kasi ordinaryo na yung cakes at stuff toy na regalo sa isang may birthday,” katuwiran ni Joshua.

***

MAY malubhang karamdaman ang nanay ni Jake Vargas at ipinagtapat ito ng bagets actor nang makausap namin sa presscon ng “Tween Academy: Class 2012” na mahina na ang kalagayan ng kanyang ina at stage 4 na ang colon cancer nito.

Padapa na nga raw ito kung matulog dahil sa nararadamang sakit sa tiyan. Kaya kapag walang taping si Jake ay binibisita niya ang ina sa kanilang tahanan sa Olongapo City.

Pagtatapat pa ni Jake, kahit apektado ay hindi siya nagpapakita ng kahinaan ng loob at inihanda na ang sarili sa puwedeng mangyari sa kanyang ina dahil yun ang bilin ng kanyang ama na magpakatatag.

Pero naniniwala pa rin siya sa milagro.

“Naniniwala ako sa milagro dahil dati ay binigyan siya ng taning. Ang sabi ng doctor noong 2009, 4 months na lang ang itatagal niya,” kuwento ni Jake.

Siyam na magkakapatid sina Jake at siya ang pang-pito. Nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil sa pagbibigay sa kanya ng project kaya nakatutulong siya sa pagpapagamot nang may sakit na ina.

May tatlong regular shows na si Jake sa Kapuso Network, bukod sa “Tween Hearts” at “Walang Tulungan,” kasama rin siya sa “Pahiram ng Isang Ina” with Bea Binene, bagong afternoon drama series ng GMA 7.

Kaya naman kayod to death ang bagets para tuluy-tuloy ang pagpapagamot ng kanyang ina at dalangin niyang sana’y tumagal pa at magkaroon ng himala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply