Juday inaabangan pa rin sa telebisyon

NAGING masigla ang dating producer ng Golden Lion films na si Tita Donna Villa nang humarap ito sa movie press kasama ang National Artist na si Derek Carlo J. Caparas at ang Big Boss ng Viva Films na si Vic del Rosario para sa launching ng 50 block-buster novels ng sikat na komiks writer.

Lahat ng katanungan ay sinagot niya pati ang pagbabalik ng one and only Superstar na si Ms. Nora Aunor ay sinabi niyang gusto niya itong kunin para sa projects na “Bakekang” kung available raw ito.

“Kung papayag si Guy, pwede namin siyang isama sa nasabing projects pero siguro pwede siyang kapatid ni Bakekang or kung anong gusto niyang role” paliwanag ni Tita Donna.

“Malaki kasi ang naiambag niya noon sa pelikulang Bakekang, kung hindi dahil sa kanya hindi ito naging blockbuster,” dugtong pa niya.

“Sa ngayon kasi wala pa kaming napiling artista nina Vic and Carlo na gaganap sa nasabing role, hindi katulad sa ibang mga novels ni Carlo na may napili na kami tulad ng ‘Rosenda’ bagay ito kay Sarah Geronimo, ‘Dugong Buhay’ sina Senator Bong Revilla at ang anak niyang si Jolo,” paglilinaw ni Tita Donna.

Ang iba pang novels ni Derek Carlo; “Tasya Fantasya” – Anne Curtis, “Panday Kids” – the new “Bagets” Star, Vice Ganda as “Jacoba,” Aga Muhlach in “Paano hahatiin ang Puso.” Cristine Reyes in “Dalawang Kagat sa Mansanas,” Gabby Concepcion in “God Save Me,” Sam Pinto as “Angela Mercado,” Dingdong Dantes as “Maestro” and Robin Padilla in “Lumuhod Ka Sa Lupa.”

Sinabi naman ni Derek Carlo mahigit sa 800 nobela ang nagawa niya pero 50 nobela lang muna ang ibinigay niya sa Viva para gawin itong teleserye for ten years contract. Alam mo na!!!

***

Matagal nang ginawa ng ng alaga ni tito Alfie Lorenzo na si Judy Ann Santos ang reality show na Junior Masterchef na orihinal napapanood sa United Kingdom and Australia. Finally ay maipalabas na rin ito sa telebisyon.

Marami kasi ang nagtatanong kung matutuloy pa ba ang kanyang reality show. Kasi nga ang tagal nang inaabangan ng kanyang mga fans para muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Tingin namin, higit ng isang taong naghihintay ang kanyang mga fans para muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Pati nga ang kanyang manager ay lagi ring tinatanong kung kailan ito ipapalabas, pero wala siyang maisagot kasi nga siya mismo ay hindi niya alam.

Pero ngayon makikita na natin ang magaling na actress sa telebisyon this coming August 20. Pero hindi siya a-akting tulad ng pagkilala natin sa kanya kundi aagapay siya sa mga batang contestant kasama niya ang tatlong master chef na sina Ferns, Lau, at Japs.

Sinabi naman ni Juday matagal na niyang dream ang nasabing reality show dahil nu’n pinapanood niya lang ito sa CD at nang inoper sa kanya ng Dos ay hindi na sila nag- dalawang salita, agad niyang tinanggap.

“Alam kong ibang-ibang mundo ito talaga kaya kinakabahan ako kasi alam kong oras na ipalabas ito may mga taong matutuwa, bibilib at may mga tao ring hindi natin maiwasan na ako’y batikusin, nakahanda naman ako dahil sanay na ako sa batikus,” paglalahad ni Juday.

Pero sinabi naman ng aktres noon pa na hintayin muna niyang mag-one year old ang anak niyang si Luchio bago siya bumalik telebisyon. Alam mo na!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply