Julia Montes heir apparent sa trono ni Judy Ann Santos

KAMI ay sobrang excited sa outcome ng first tandem on film via “Way Back Home” ng “Mara Clara” stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. The movie fan in us is slipping? Yes.

Nasundan namin ang respective careers nila Kathryn at Julia when both were mere talent teeners sa stable ng Star Magic ng ABS-CBN until both got their biggest break via the top-rated Mara Clara remake.

While we are happy that the two of them have created a niche in the popular minds of madlang pipol so we say, hindi rin maiiwasan na pagkukumparahin ang dalawa in more ways than one.  Isa nito ay ang pag-flashback kung sino sa kanilang dalawa ang pwedeng maging kasing-sikat sa orig na bida ng “Mara Clara” who happens to be Judy Ann Santos o di naman kaya kung sino sa kanila ang maging kasingsikat na kontrabida tulad ni Gladys Reyes na siyang bumatuk-batok kay Judy Ann sa naturang orig na soap opera noon.

From feedback of colleagues in the biz medyo the direction largely points to the score card per se of Julia Montes. Meaning, at the end of the day siya ang sisikat more than Kathryn. Which is kabaligtaran sa orig na soap operang “Mara Clara kung saan ang inaapi na si Judy Ann Santos ang siyang sumikat bilang bida samantalang si Gladys Reyes ay sumikat bilang kontrabida of the first order. Kontrabida nga lang at hindi bida.

Ini-expect ng marami na si Kathryn Bernardo ang sisikat o maging bida dahil siya yung binabatuk-batukan nga ni Julia Montes. Pero kabaligtaran ang prediction.  Sa kanilang dalawa, maliwanag pa raw sa sikat ng araw na si Julia Montes ang susunod sa yapak ni Judy Ann Santos bilang isang potential bida o big star, samantalang si Kathryn ay ang magiging Gladys Reyes na naging second fiddle ( though still highly admirable in her own métier)  noon at ngayon sa kasikatan ni Judy Ann.

Medyo naniniwala kami sa naturang prediction. Lately lang sa isang press brief, manghang-mangha kami sa alindog ni Julia Montes. It’s cruel to say, but it’s true na talagang nag-pale in comparison ang visual impact ni Kathryn kung ikumpara kaysa kay Julia who looked every inch a full- blown woman in her prime yet dripping with beauty, talent coupled with visible intelligence, confidence, and  yes, sex appeal on top of it. Kathryn to measure up to Julia’s score card will have to double time to get in step with if not ahead of Julia’s so-called highly noticeable and undeniable “arrive.”

That said mapanindigan kaya ni Julia Montes ang kasalukuyang impact niya bilang isang potential sexy at intelligent star material sa pelikulang “Way Back Home?”  Hindi naman kaya siya lalamunin ng isang sleeping dragon na tulad ni Kathryn Bernardo sa acting department more than sa paseksihan ng alindog lamang?

Hindi lang ito test case sa masa appeal ng dalawa (we are sure this will be a monster hit anyway), but a test case as well kung sino sa kanilang dalawa ang susunod sa yapak ng kasikatan ni tinatamasa sa ngayon ni Judy Ann Santos. Or kahit ma-approximate man lang ang kasikatan ni Juday.

Kayo, sino sa palagay ‘nyo?  To answer this, watch kayo ng kanilang film na sa aming libro ay could approximate a well-crafted, feel-good Hollywood movie.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply