Julia Montes maraming bilib kahit na kontrabida

LAKING gulat ni Julia Montes nang sabihin ni Derek Jerry Lopez Sineneng sa harap ng mga movie press sa presscon ng “Way Back Home” ng Star Cinema na ang aura at acting niya ay inihahalintulad kay Claudine Barretto at hindi kay Glady’s Reyes na siyang orihinal na Clara.

“Kaya nasabi ko na magiging Claudine si Julia kasi nga kahit kontrabida ang role niya sa nasabing pelikula nakikita ko na aangat siya dito bilang isang tunay na actress,” sambit pa ni Derek.

Hindi makapaniwala si Julia nang banggitin ito ni Derek sa harap mismo ng movie press na siya nga ang makabagong Claudine, kaya nahihiya siya kasi nga super idol niya ang aktres bago pa siya pumasok sa showbiz.

“Isang malaking hamon sa aking kakayahan bilang baguhang artista ang paghalintulad ni Derek kasi nga alam naman natin lahat na isa siyang magaling na actress, kaya kahit kalahati lang ng kanyang showbiz career ang masundan ko, tuwang-tuwa na ako”, sambit pa niya.

Para patunayan ni Julia na talagang idol niya ang magaling na actress sinabi niyang gustung-gusto niya ang pagganap nito sa pelikulang “Anak” kung saan isa siyang prodigal daughter na mapagmahal at madaling magpatawad.

Kaya mild lang ang talakan nina Julia and Kathryn Bernardo sa nasabing movie kasi nga inalagaan ng director ang kanilang career dahil gusto niya na pareho silang bida rito at hindi tatatak sa movie goers na may lalabas na kontrabida di tulad sa teleseryeng Mara/Clara na mayroong identity ang bida at kontrabida. Alam mo na!!!

***

NGAYONG dumating na sa ating bansa ang nag-iisang Superstar ng pinilakang tabing na si Ms. Nora Aunor, marami ang natuwa at napaluha sa galak nang makita siya in person sa ginawang bonggang welcome ni Percy Intalan ng TV5 at ni Governor ER Ejercito ng Laguna dahil matuloy na ang pelikulang “El Presidente” na hango sa buhay ng first president ng Philippine Republic na si Emilio Aguinaldo.

Sinabi ni La Aunor na sa pagbabalik niya sa kanyang bayan ibang-ibang Nora Aunor ang makikita natin kung saan hindi na siya magbibigay ng sakit ng ulo sa mga producer na gustong kunin ang kanyang serbisyo.

Pinatunayan ito ni Ate Guy dahil noong humarap siya sa movie press ibang-iba na siya magsalita, hindi katulad noon na nahihiya siya pag tinatanong.

Pero ngayon matapang na hinarap niya ang lahat nang katanungan lalo na ng tinanong siya tungkol sa gagawin niyang pelikula kung saan second choice lang siya.

Ayon sa Superstar hindi na niya iniintindi kung second choices lang siya, ang im-portante nakabalik na siya at wala na siyang dapat patunayan pa at kaya niya raw tinanggap ang Aguinaldo dahil isa itong  historical movie.

Inamin niya rin na kaya raw na naantala ang pagbalik niya last July 21, kasi nga pinigil raw siya ni Kuya Germs (German Moreno) at Suzette Ranillo na wag muna umuwi dahil kinakausap pa nila ang magiging projects niya over TV5. Alam mo na!!!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply