Kaanak ng hostage crisis victims inisnab ni PNoy

IBINASURA ng Malakanyang ang hirit ng pamilya ng mga biktima ng Manila hostage crisis noong 2010 na makaharap at makausap si Pangulong Benigno Aquino III.

Ikinatuwiran ni presidential spokesman Edwin Lacierda ayaw nilang pulitikahin ang insidente kaya hindi sila pumayag sa kahilingan.

Aniya, may kasamang pulitiko mula sa Hong Kong ang grupo.

Ang imporante aniya ay natugunan na nila ang mga pagkukulang na inirereklamo, tulad ng pagtatalaga ng karagdagang tourist police at pagtatatag ng night court.

Sa kabilang dako, ilang beses humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga press conference at kinasuhan na rin ang mga pumalpak na opisyal.

May ‘Solidarity Fund’ din umanong pinasimulan ng private groups para ibayad sa pamilya ng mga biktima.

“What is important is to show the Hong Kong government what actions and steps we have taken,” pagtatapos ni Lacierda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply