Kabataang Pinoy nakiisa sa 2011 World Youth Day

KAHIT nandito lamang sa Pilipinas ay nakiisa ang mga kabataang Filipinio sa pagdiriwang ng 2011 World Youth Day na ginaganap ngayon sa Madrid, Spain.

Nagtipun-tipon ngayon (Sabado, Agosto 20) sa Ateneo De Manila University ang libu-libong kabataan upang gunitain ang nasabing pagdiriwang ng mga Katoliko na may temang: “Kabataang Filipino naka-ugat kay Kristo.”

Magsasagawa ng prayer vigil at mga programa ang mga kabataan na tatagal hanggang bukas ng madaling araw (Linggo, Agosto 21).

Noong 1995 ay idinaos ang World Youth Day sa Pilipinas kung saan nakasama ng mga Pinoy si Blessed John Paul II.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply