Kadete ng PMMA patay sa hazing

PATAY ang isang estudyante ng Philippine Merchant Marine Academy sa Zambales dahil sa hazing.

Nabatid sa tatay ng biktima na si Excel Acura na umuwing matamlay ang kanyang anak na si Erik mula sa eskwela nitong nakaraang linggo.

Sa pag-aakalang may sakit lang ang anak ay hindi nila masyadong pinansin ang pananamlay ng biktima.

Ilang araw pa ay nabatid na umihi ang biktima na may kasamang dugo na inakala naman ng kanyang pamilya na dahil lamang sa sakit nitong UTI.

Pero nang bawian ng buhay ang biktima, lumalabas sa pagsusuri ng pagamutan na trauma sa kidney ang ikinamatay nito.

Lalong sumama ang loob ng pamilya ng biktima nang bago mamatay ang biktima ay inamin nito sa kanyang iniwang sulat na biktima siya ng hazing ng nasabing paaralan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply