Kagawad dedo sa harap ng dating kaklase

NAMATAY sa harapan ng mga dating kaklase ang isang 37-anyos na lalaki makaraang barilin ng dalawang hindi nakilalang mga salarin dakong alas-12:40 ng madaling araw ng Sabado, Agosto 20, sa Pasay City.

Bagaman binawian ng buhay sa kandungan ng mga dating kaklase, nagawa pa ring isugod sa Philippine Air Force General Hospital (PAGH) ang biktimang si Sonny Ken Ricardo Arago, may-asawa, barangay kagawad ng Central Bicutan, Taguig City.

Samantala, kaswal na lumakad lamang palayo sa pinangyarihan ng krimen ang hindi kilalang mga suspek patungo sa direksiyon ng 11th street, Villamor Air Base, Pasay City tangan ang baril na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Sa report nina SPO2 Chris Gabutin at PO3 Mariano Pata ng Pasay City Police Station Investigation Detective Management Section (SIDMS), masayang nag-iinuman ang dating magka-klase sa Brgy.183 Zone-20 Villamor Air Base nang bigla na lamang may narinig na sunud-sunod na putok ng baril mula sa hindi malamang direksiyon.

Laking gulat ng grupo nang duguang bumulagta sa kanilang harapan si Arago

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matunton ang mga salarin at malaman ang motibo sa pamamaslang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply