Kahit patis, suka at toyo Marianita wala ng ini-endorsong produkto

NGAYON ay imposibleng hindi pa nararamdaman ni Marianita Rivera ang pagbagsak ng kanyang career. Hayan at kahit sinamahan pa siya ng sangkatutak na macho actors sa kanyang Epic serye na “Amalas,” panandalian lang ang naging magic nito sa ratings. As of presstime kasi, madalas nang talunin sa national ratings at konti lang din ang lamang nila sa Mega Manila ratings sa “Guns and Roces” ng Dos na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Bea Alonzo.

Ang ending, hayun nilipat na ng timeslot si Marianita na originally ay napapanood ang naturang serye nito right after “24 Oras.” This time pinalitan na sila ng mas exciting daw na panooring na “Iglot.” Meaning, after ng programang ito pa sila mapapanood ng iilan nilang viewers.

Sa movies naman hindi na rin bankable ang babaitang ito at lalo naman pagdating sa endorsement kung saan inaayawan na rin ang negang aktres. Kahit nga yata toyo, suka at patis na endorsement ay walang plano na kunin siya.

Ha’y naku! Alam n’yo naman sa advertising world kapag hindi maganda ang image ng isang celebrity na kagaya ni Marianita Gurangita ay tinitigbak nila agad ito.

Ang wini-wish na lang namin ngayon ay kumita ang “Panday” ni Senator Bong Revilla lalo pa’t ginastusan ito ng husto ng guwapong aktor-pulitiko at ng GMA Films.

Good luck gyud our beloved Senator Bong.

***

‘The Buzz’ raratasada sa ekslusibong tapatan nina Nora Aunor, Boy Abunda

TIYAK na ikatutuwa ng lahat nang Noranian’s ang tapatan na mangyayari bukas (Linggo, Agosto 28) sa “The Buzz” sa idolo nilang si Nora Aunor at ng haligi ng show at King of Talk na si Kuya Boy Abunda.

Yes, finally ay natuloy na ang matagal na pinapangarap ni Kuya Boy sa ating nag-iisang Superstar na maka-One-on-One at exlusive interview niya ito.

For sure, maraming issue na lilinawin si Kuya Boy at matapang naman itong haharapin at sasagutin ni Ate Guy. Kaya huwag aalis ng bahay kung ayaw nyong ma-miss ang once in a lifetime interview na ito. Hindi lang ‘yan may mangyayari ring tapatan sa pagitan ng mag-sweethearts na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano kung saan pag-uusapan ng huli sa kanyang segment na Toni Gonzaga Intriga Statements (TGIS) ang ilang intrigang ipinupukol sa guwapong boyfriend director lalo na ‘yung pagkaka-link nito sa bidang artista sa pelikulang “Thelma” na si Maja Salvador. Opps! Hindi pa diyan nagtatapos dahil pag-uusapan rin sa The Buzz ang pinagpipiyestahan ngayon sa buong showbiz na kontrobersiyal na pahayag ng ating Megastar na si Sharon Cuneta hinggil sa isang tao na mukhang hindi inaalagaan at pinapabayaan lang ang kanyang pinakamamahal na daughter na si KC Concepcion.

Kung gusto nyong malaman kung sino ang tinutukoy ni Shawie lahat ng ‘yan ay inyong mapapanood sa The Buzz, kasama sina KC at Charlene Gonzales. Aired every Sunday at channel 2, 4:30 to 6:30 p.m. after “Good Vibes.” Si Sir Louie Andrada ang business unit head nito at ang executive produceray si Ms. Nancy Yabut. Siyempre, head naman ng production ang beloved angel namin ni Pete, na si Sir Roxy at Sir Mico del Rosario.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply