Kakulangan sa supply ng dugo pinabulaanan ng DOH

PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) na may kakulangan na ng supply ng dugo dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.

Ayon kay Health Asec. Dr. Eric Tayag, may sapat pa umanong dami ng dugo na nakaimbak para sa mga biktima ng dengue.

Sa mga kaso naman umano ng mga may sakit, iilan lamang dito ang nangangailangan ng blood transfusion, partikular na ang mga pasyente na malala na ang kanilang dengue.

Ayon pa kay Tayag, halos isang milyong bags ng dugo ang kailangan taun-taon ngunit nakakakolekta lamang ng 700,000.

Dahil dito,hinikayat ng opisyal ang publiko na boluntaryong maging aktibo sa pagdo-donate ng dugo.

Sa pinakahuling ulat kasi ng DOH, umabot na sa 45,333 ang dengue cases sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply