Kalayaan protektahan; Bomber, hanapin, ipiit

NAKAPANGINGINIG ng laman ang naganap na pambobomba sa convoy ni Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu.

Maaaring magalit ka o matakot. Lalo’t kitang-kita ang ibinunga ng pambobomba.

Isang traysikel driver ang dead on the spot samantalang namatay kahapon si Board Member Sinsuat Sr.

Nawasak ang sasakyang ginamit sa pambobomba.

INTENSYONG PUMATAY

Noong una, mga Bro, pinaniniwalaang simpleng granada o kauri nito ang ginamit sa pambobomba.

Sa huli, sinabing bala iyon ng 105 howitzer.

Alam ba ninyo kung gaano kalakas ang bombang ito?

Sa mga labanan, kayang-kayang putulin ng bala ng 105 howitzer ang troso na may isang metro ang diametro o taba nito.

Kung tumatama ito sa mga bundok o kuweba, nagigiba ang mga ito.

Napakalakas din ang tunog nito at ang tunog lamang nito ay pupuwede ka na niyang patayin sa lakas.

Kaya nga, kung totoong bala ng howitzer ang ginamit, andiyan talaga ang intensyong pumatay.

Kasama sa mga mamamatay ang target at mga nakapalibot nito.

Masuwerte si Gob. Toto at nakaalpas na ang kanyang sasakyan nang sumabog ang bomba na sinadyang papatay sa kanya sa tulong ng cellphone.

MALALIM NA IMBESTIGASYON

Dapat na malalim na imbestigahan ang pangyayaring ito.

Sino ang may hawak ng bombang ito na gamit lamang ng mga militar? May sangkot bang militar dito? Paanong napunta sa kamay ng iba ang bomba kung hindi militar ang gumawa nito?

Dapat ugatin ng kalalimlaliman ang pangyayaring ito upang mapigil ang deadly na pambobomba at pamamaslang sa mga inosenteng sibilyan.

HALIGI NG KALAYAAN

Maituturing na haligi ng kalayaan si Gob. Mangudadatu. Siya lang ang naglakas-loob na bumangga sa mga may dugo sa kamay na namumuno sa kanilang lalawigan, hanggang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

May iba rin siyempre ngunit nakilala si Gob Mangudadatu na nagpusta ng kanyang buhay at kinabukasan madurog lang ang ang malupit na warlordismo sa lugar. Dahil sa malupit na warlordismo, ang dami nang nakitil na buhay, kabilang na ang mahigit 30 mediamen.

Ang pamahalaan ay dapat na pangalagaan ang katulad ni Mangudadatu na handang humarap sa anomang puwersang mamamatay-tao.

Mabuhay ka, Gob Toto!

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa prog-ramang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply