Kalsada inaari ng TODA

MISTULANG isang mahabang sawa ang mga tricycle ng Barangay Sikatuna Village-Tricycle Operators and Drivers Assn. (BSV-TODA) sa kanilang terminal sa may kahabaan ng V-Luna Ext. sa lunsod Quezon ilang metro lang ang layo sa mismong headquarters ng Quezon City Police District at QC-Traffic Enforcement Group (QC-TEG).

Ang V-Luna Ext. ay hindi pag-aari ng anomang TODA kaya sa tingin ng marami ay hindi ito dapat gawing terminal ng mga tricycle, maging ligal o iligal man ang mga ito.

Reklamo ng mga commuter ay wala na silang madaanan dahil ang bangketa ay tambayan ng mga  tricycle driver ng BSV-TODA  at paradahan ng mga sasakyan ng mga nakatira sa nasabing lugar kung kaya napipilitang dumaan sa gitna ng kalsada ang mga tao.

Nakapagtatakang pinayagan ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng Quezon City at ng Barangay

Sikatuna Village na gawing terminal ng TODA ang isang lane ng kalsadang V-Luna Ext. gayung  na-tional road ito.

Imposible namang basta na lang papayag ang DPOS, TRU at Barangay Sikatuna na gawing terminal ng tricycle ang isang national road kung walang CASH-sunduan at alam din kaya ito ng Quezon City Engineering  office at ng DPWH?

At kung sakaling hindi  alam ng dalawang ahensiyang ito, aba eh dapat sigurong umaksiyon na kayo, huwag niyo nang hintayin pang may madisgrasya o may masagasaang tao na dumaraan sa gitna ng kalye.

Brgy. Sikatuna Village Chair-man Annabelle Curacha, siguro naman ay nakikita mo kung gaano kadelikado sa mga  tao ang  dulot ng terminal diyan sa tapat ng iyong Barangay Hall, huwag sana kayong magbulag-bulagan, Kapitana Curacha.

Hindi  ako nagtataka kung bakit ang kahabaan ng V-Luna Ext . at V-Luna Road ay mistulang pag-aari ng Brgy. Sikatuna Village TODA dahil sa nakarating na impormasyon sa inyong lingkod ay mahigit sa 500 tricycle ang pumipila dito araw-araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply