Kampanya kontra karahasan aarangkada na

AARANGKADA na dalawang araw mula ngayon pagtitipon ng iba’t ibang human rights advocates, militanteng grupo at civic society organizations.

Paghahanda ito sa “nationwide campaign” laban sa mataas na kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Mahigit 200 human rights defenders ang dadalo sa pagpupulong sa August 18 na gagawin sa Adamson University (ADU) sa Maynila.

Layunin nitong iparamdam kay PNoy na dapat na kumilos para mabigyan ng hustisya ang lahat ng human rights victim noong nakaraang administrasyon hanggang sa kasalukuyan.

Isasabay din sa okasyon ang paglulunsad ng “end impunity alliance” bilang bagong progresibong grupo na magsusulong sa kapakanan ng mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply