Kampanya vs asbestos isusulong sa mga paaralan

SINIMULAN na ng Associated of Labor Unions (ALU) ang kanilang  kampanya laban sa asbestos sa mga paaralan, partikular sa high school levels.

Layunin ng kanilang kampanya na makakalap ng maraming lagda mula sa mga estudyante upang mapalakas ang pagtutol na maipasa ang Ban Asbestos Bills, ang House Bill 896 at Senate Bill 89.

Ayon sa opisyal na press statement ng ALU ngayon (Miyerkules, Agosto 24) ay magsasagawa sila ng serye ng lectures para sa senior public high school students sa Lungsod ng Quezon.

Sa tulong ng mga lecture na ito, matatalakay at maipamumulat sa mga kabataan ang peligrong hatid ng asbestos sa ating kalusugan.

At ang petisyong nakahain sa mga mambabatas ay upang igiit ang pagpasa sa mga panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng naturang elemento na nagiging sanhi ng cancer.

Napag-alamang nagpalabas ng memorandum noong Hulyo 27 si Dr. Corazon Rubio, school superintendent ng Department of Education-Quezon City na nag-aatas sa lahat ng assistant schools division superintendents, division at district supervisors, secondary school principals, head teachers at teachers-in-charge na payagan ang ban asbestos advocacy lecture at signature campaign sa kani-kanilang klase at campuses na kinabibilangan ng 46 na high school sa siyudad.

Tugon umano ito ni Rubio sa liham ni Gerard Seno, national vice president ng ALU, na humihiling na payagang maipaalam sa mga mag-aaral ang kanilang adbokasiya.

Ang ALU ay isa sa pinakamalaking konpederasyon ng mga unyon sa Pilipinas na binubuo ng mahigit 150,000 kasapi na nagtatrabaho sa 14 na iba’t ibang industriya sa buong bansa.

Katuwang ng ALU ang Woodworkers International and Trade Union Congress of the Philippines (BWI-TUCP) sa kampanyang ito para mapatigil na ang paggamit ng asbestos sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply