Kampo ni Lim pumalag sa pahayag ni Mendoza

PUMALAG ang kampo ni Manila Mayor Alfredo Lim sa naging pahayag ni SPO2 Gregorio Mendoza na hindi makakamit ang hustisya ng mga biktima kung hindi makakasuhan at mapaparusahan ang alkalde.

Ayon kay Secretary to the Mayor, Atty. Rafaeltio Garayblas, walang kasalanan ang alkalde sa naganap na hostage taking sa Qurino Grandstand sa Luneta na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals dahil ang insidente ay isang police matter matter na nasa hurisdiksyon ni dating MPD director, Chief Supt. Rodolfo Magtibay.

Sinabi rin ni Garayblas na huwag nang palabasing walang kasalanan si Gregorio dahil siya ang nag-udyok sa kapatid niyang hostage taker na si S/Insp. Rolando Mendoza para ipagpatuloy ang pangho-hostage at ‘wag sumuko.

Dapat umano ay kinumbise ni Gregorio ang kanyang kapatid na boluntaryong sumuko nang siya ay makalapit sa bus na sinasakyan ng mga turistang biktima.

“Imbes na kumbinsihin ang kapatid niya na sumuko, ano ang sinabi ni Gregorio kay Rolando? ‘Wag kang bibigay hanggang ‘di isinosoli ang baril ko.’  Ganyan ba ang tamang gawain ng mga naturingang alagad ng batas?” giit pa ni Garayblas.

Naging daan umano ang ginawa ni Gregorio para irekomenda ng negosyador na si Maj. Orlando Yebra, Jr. na kasuhan siya ng accessory to the crime.

“Walang sinuman na opisyal ng pamahalaan o pulisya ang may gusto o may kagagawan sa pagkamatay ng mga hostages na kundi ang magkapatid na Mendoza lamang,” ayon pa kay Garayblas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply