Kano patay sa hotel

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 62-anyos na Amerikano sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa Century Park Hotel sa Malate, Maynila, ngayong umaga (Martes, Agosto 16).

Kinilala ni Chief Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Michael Christopher Lao, hospitality consultant at nanunuluyan sa Room 1530 ng nasabing hotel na matatagpuan sa 599 P.Ocampo St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 David Tuazon, dakong ala-siyete nang madiskubreng wala nang buhay ang biktima sa kanyang kuwarto.

Nabatid na nag-check in ang biktima noong Agosto 7 ganap na 4:50 ng hapon. Nakatakda sana itong mag-check out ngayon.

Isang “wake-up call” umano ang ibinigay ng mga staff sa biktima, subalit hindi ito tumutugon kaya sinadya ang kanyang kuwarto upang katukin ng roomboy.

Hindi pa rin umano sumasagot ang biktima kaya tinawag ng roomboy ang authorized duty manager na siyang awtorisadong magbukas sa mga kuwarto ng hotel na si Rowena Versoza.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang biktima na nakaupo sa sofa malapit sa kama.

Agad tinawag ni Versoza ang hotel nurse, na nagdeklarang hindi na humihinga ang dayuhan.

Hinihinala ng mga imbestigador na over-fatigue ang ikinamatay ng dayuhan dahil sa kanyang trabaho bilang hospitality consultant.

Panay ang biyahe umano ng biktima sa iba’t ibang lugar upang dumalo sa mga seminars tungkol sa kanyang trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply