‘Kapag may nabuntisan ka, panindigan mo!’ — Jolo Revilla

OPEN book naman ang buhay ni Jolo Revilla na naging binatang ama at the age of 16 kaya nahingan namin ng opinyon ang young actor tungkol sa isyung kinasangkutan ni Albie Casiño na diumano ay itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann.

Halos kasing edad lang ni Jolo noon si Albie  kaya alam naming kahit paano ay nakaka-relate siya sa batang aktor.

“Well, ang opinyon ko lang diyan, nu’ng sa akin nangyari ’yan, pinanindigan ko. Kung mangyayari pa ulit, ganu’n pa rin ang gagawin ko, paninindigan ko,” sabi ni Jolo.

Hindi naman niya sinasabing mali ang ginawa ni Albie na itinanggi nito pero dahil nga natanong namin siya kung sakaling siya ang nasa kalagayan ng young actor, sinasabi lang niya ang diskarteng gagawin niya.

“Sinabi na nga ng pamilya ng babae kung sino ang ama, itatanggi ko pa ba?” say pa niya. “Bilang gentleman, sinasabi na nga sa iyong ikaw ang ama, eh di panindigan mo na,” dagdag pa niya.

Hindi naman kataka-takang ganito ang maging disposisyon ni Jolo dahil open book din naman ang buhay ng lolo niyang si former Sen. Ramon Revilla Sr. na napakaraming anak at lahat ng nag-claim na babaing nabuntis niya ay pinanindigan ng matandang Revilla, na kahanga-hanga rin naman.

Samantala, seven years old na ang anak ni Jolo na si Gab at sa nakikita raw niya, mahilig daw itong kumanta na feeling niya ay namana sa dalawang lola nito na sina Congresswoman Lani Mercado at Rosanna Roces. Matagal nang sa kanila nakatira ang bagets at maayos naman daw ang relasyon nila ng ina nitong si Grace Adriano at nahihiram nito ang bata every now and then.

Sa kanyang career, excited na si Jolo sa pagsisimula ng “My Binondo Girl’ sa Lunes (Agosto 22). Ang mas nakakatuwa, magkakatapat pa ang teleserye nila ng inang si Lani na nasa “Amaya” sa kabilang istasyon.

Wala naman daw problema sa kanilang mag-ina na magkatapat ang kanilang shows dahil hindi naman daw talaga maiiwasan ang ganitong pagkakataon.

So, paano ’yan, hindi na makakapanood ng My Binondo Girl ang mommy niya?

“Manonoood pa rin ’yun, si Mommy pa!” natatawa niyang sabi.

***

Sam Pinto na di na muling tatanggapin ang dating boyfirend

KAHIT tawasin pala, di na babalikan ni Sam Pinto ang dating boyfriend. Ayon kay Sam, masaya na siya ngayon na walang nali-link sa kanya kaya nga naka-concentrate siya sa kanyang career. Sa ngayon nga, kasi, sikat na sikat si Sam at gusto nitong samantalahin ang maraming magandang bagay na nangyayari sa kanyang career.

Sa ngyaon si Sam ang napipisil nina Carlo J at Donna Villa na siyang gaganap sa remake ng “Angela Markado.” Very challenging ang naturang role at ito nga ay ginawa noon ng mahusay na aktres na si Hilda Koronel.

Sam says, she is bound to accept the offer pero may nararamdaman daw siyang nerbiyos na baka di pa magkasya ang kanyang nalalaman to essay the role. But just the same, lahat daw ay gagawin ni Sam upang di mabigo sa kanya ang mag-asawang Carlo at Donna.

Sa ngayon, may intriga na mas bagay daw kay Cristine Reyes na maging  Angela Markado pero aniya, silang dalawa ni Cristine ay walang iringan tungkol dito. “Kung sino man sa amin ang mapili finally, puwede kong sabihing isang malaking suwerte,” sabi pa niya.

Balik sa dating BF, huling nakarelasyon ni Sam Pinto ang La Salle varsity player na si Simon Atkins. Ayon sa sexy actress, bad ang naging resulta ng kanilang relasyon but in the end, naging friends din sila.

“Pero hindi naman naging traumatic ang relasyon namin two years ago. Now we’re more fine! Siya ang pinaka-last ko bago ako nag-showbiz,” katwiran ni Sam sa presscon ng “Tween Academy: Class of 2012.”

’Yun nga lang, ayaw na ni Sam magkaroon ng sequel ang relasyon kay Simon.

“Hindi lang siguro kami magkasundo talaga! Iba ang personalities namin kaya nag-clash kami when we were together,” rason ni Sam.

Pagdating sa male tweens, mas malakas ang dating sa kanya ni Elmo Magalona.

“Oh my God! Gusto ko si Elmo kasi totoo siyang tao! Totoong tao na may breeding and very talented also! Makikita mo lang talaga ang aura niya!” deklara ni Sam.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply