Kapalit ni Lim sa DoT ihahayag pagbalik ni PNoy

POSIBLENG sa pagbabalik pa ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino mula sa kanyang state visit sa Beijing, China ihahayag ang magiging kapalit ng nagbitiw sa puwestong si Tourism Secretary Alberto Lim.

Sa Sabado (Setyembre 3) nakatakdang bumalik sa Pilipinas ni Pangulong Aquino at ng delegado nito habang ngayon (Miyerkules, Agosto 31) naman ang last day ni Lim sa Department of Tourism (DoT) na nagbitiw sa puwesto “for personal reason.”

“We have not received any word from the President to name the replacement of Secretary Bertie Lim. But if you do recall, in the earlier I think a few days. No, immediately after Secretary Lim had announced his resignation he did say that he is… he will stay on until the President names his replacement,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Dahil dito, pansamantalang mananatili muna si Lim sa kanyang opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply