Kapamilya na si Paulo Avelino!

MAINGAY na naman ang mga ober da bakod isyu? May tsismis na tatapusin na lang daw ni Iza Calzado ang kanyang sitcom sa GMA 7 na “Andres De Saya” at nagbabalak na raw ito na maging Kapatid star.

How true na Kapamilya na rin ang dating StarStruck alumnus na si Paulo Avelino? (Official Kapamilya talent na si Paulo at iniwan na niya ang GMA – Ed) May balita ring interesado kay Rocco Nacino ang ibang network, may chance ba nalumipat siya at iwan ang GMA? “Hindi po mangyayari yun kasi five years po ang kontrata ko dito sa GMA, tsaka mahal ko ang GMA, dito po ako nagsimula, e.”

Ano ang feeling na interesado umano sa kanya ang ibang network?

“Flattering, flattering, at nagpapasalamat po ako sa kanila. Sa Twitter pa lang po e sinasabi po nila kaya nagpapasalamat po ako sa kanila. I appreciate it na nakikita nila yung talent ko,” sey niya.

‘Yun na!

-0o0-

Tungkol pa rin kay Rocco, lagi siyang tinatanong kung sila na ba ni Sheena Halili?

“Still the same, still dating.”

Walang development?

“May development, of course, habang tumatagal naman po.”

Hindi pa ba sila umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon?

“Exclusively dating”

“Yeah!”

Gaano katagal na silang exclusively dating?

“Siguro for a few months na and like what I always say, we don’t wanna rush things kasi busy siya with Amaya at lagi siyang nasa location na malayo.

“Ako meron akong Time Of My Life at araw-araw din po yung taping namin kaya naging bihira din ang pagkikita namin.

“Ang importante naman po masaya kami at nag-uusap kami lagi.”

Once or twice a week daw silang mag-usap. At kapag may panahon ay lumalabas sila.

“Yes. We watch a movie.”

Silang dalawa lang.

“Yeah, minsan po. There’s nothing wrong with that naman e, kumakain lang po, minsan galing siya sa work, ako galing din sa work, kakain kami, around Morato lang.”

Pag exclusively dating or mag-MU, hindi ba para na ring magkarelasyon iyon?

“Well wala pa po kasing confirmation at hindi nga po kami nagmamadali.”

Sinabihan na ba niya ng ‘I love you’ si Sheena?

“Wala pa pong ganun,” ang natatawang sagot ni Rocco.

Gaano niya kamahal si Sheena?

“She’s an inspiration to me, she’s very, very special.”

Ayon nga sa obserbasyon ng iba, mas nalampasan na niya sina Steven Silva (StarSt- ruck V Ultimate Male Survivor) at Enzo Pineda na First Prince naman ni Steven.

“Well I have my breaks and they have theirs so I’m just happy na binibigyan ako ng magagandang projects. Wala naman pong kumpetisyon sa amin, e. So it’s up to us kung paano namin didiskartehan ang career namin para magkaroon ng magandang breaks sa career namin.”

Talbog!

-0o0-

Nanguna ang Wil Time Bigtime sa lahat ng katapat nitong programa nitong Sabado (Agosto 13), ayon sa Nielsen Media Research. Nagtala ang programa ng bayan ng 6.5% AMR o 28.8% audience share sa MegaTam.

Ang Wil Time Bigtime din ang pinakatinutukang game-variety show noong Sabado sa buong bansa. Base sa nationwide urban TV ratings ng Nielsen noong Agosto 13, nagta- la ng halos 2.7 milyong manunuod ang programa.

Ngunit sa kabila ng pamamayagpag sa ratings at sa hindi na mabilang na kwento ng mga kababayang naibahagi sa kanyang mga programa noon at ngayon, hindi pa rin inaasahan ni Kuya Wil na iba pa rin ang epekto sa kanya ng kwento ng mag-asawang bulag na naging bisita nila sa Wil Time Bigtime kamakailan.

Mula pa sa Baguio, nagsilbing mata ng bulag na mag-asawa ang kanilang limang-taong anak upang makarating ng Maynila at mag-audition sa Wil Time Bigtime. Nagbunga na- man ang hirap na pinagdaanan nila dahil maswerte napili si JR, isang blind massage, upang makasali sa Wil Time Bigtime segment kung saan mahigit P3.5 milyong papremyo ang naghihintay na mapanalunan.

Sa kanilang interview portion, naging bukas si Kuya Wil sa pag-hanga kay JR dahil hindi humihingi ng labis sa kanilang pangangailangan ang mag-asawa. Sa halip na P5,000, nakatanggap ng P37,000 mula kay Kuya Wil. “Kahit hindi na po ako manalo ngayon malaking tulong na po ‘to. Hindi ko na hangad na makuha ang jackpot,” ang maluha-luhang sabi ni JR. Gagawin daw niya itong puhunan sa pagba-buy-and-sell ng gulay sa Baguio.

Aminado naman si Kuya Wil na nagising siya sa natatanging karakter na ipinakita ng mag-anak. “Alam mo, JR, inspirasyon kayo sa’ming mga normal na tao. Inspirasyon kayo sa’min na minsan marami pang hinahangad sa buhay, marami pang hinihingi. Pero samantalang kayo simple lang,” ayon sa Wil Time Bigtime host. “Napakaswerte namin na naging bisita namin kayong lahat kasi namumulat kami kung gaano kahalaga ang tunay na pagmamahal sa kapwa.” Bukod sa P37,000 pera, nangako si Kuya Wil na ipahahatid niya ang mag-anak pabalik ng Baguio.

Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply